Epilogue: "CONGRATULATIONS, to our graduates of Bachelor of Science in Business Administration." masiglang bati ng emcee matapos ang graduation ball na ginanap sa PICC hall sa pasay. Maluwag ang mga ngiti sa mga labi ng lahat ng nagsipagtapos dahil napagtagumapayan na nila ang pag-abot sa mithiin nilang diploma. "Mommy!" isang masiglang tawag ni Kyvo kay Aina mula sa audience part ng gusali. Mabilis tumakbo si Kyvo para salubungin ang ina na isa sa mga nagtapos sa gabing ito. "Congratulations, mommy! I'm a very proud son!" usal ng 4 na taong gulang na bata. "Oh, thank you, honey." ani Aina at ginawaran niya ng yakap ang anak. Matapos maghiwalay sa yakap ay tumayo siya. "Kyvo, nakita mo ba si Samantha?" tanong niya sa anak. Naglibot pa ang mata niya sa paligid upang makita ang hinah

