Tommy's POV Sobrang saya ni Brielle ng dumating kami sa Gwangjang Market. Isa-isa niyang sinubukan ang mga Korean Street Foods. Tulad ng fishcake, gimbap, pajeon at iba pa. Panay din selfie namin. Pakiramdam ko ay sulit na sulit talaga ang Korean trip namin. Ganito pala siya naimpluswensiyahan ng mga koreano. Doon na din kami nag dinner as her request. Tulad ng mga ibang couple don, halos ganon na din naman kami. Ang kaibahan nga lang ay ako pa din ang daddy niya kaya, at iyon ang lagi niyang ipinararamdam sa akin, dahil sa barrier namin as daddy and daughter. Pagkatapos ay dumiretso kami sa Namsan Park, dahil mas gusto daw niya makita ng malapitan ang tower at night. "Sayang hindi natin ma appreciate ang ganda ng cherry blossom." sabi ko habang naglala lakad kami sa malaking park.

