Halos sakto lang naman ang dating ko sa School Gym nila Brielle. May mga nagpe-perform na ngunit di pa nasasalang sina Brielle.Sakto namang nakahanap ako ng maganda pwesto na naka reserved para sa mga parents ng mga magpe perform. Halata sa mukha niya ang saya ng makita ako. Kumaway pa siya sa akin. Hindi ko akalaing para pala siyang celebrity dito. Napadami ng nagpapantasya at humahanga sa kanya. Bagay na sobrang nagpa proud sa akin as her dad. Pagkatapos ng performance ng isang cheer group ay nagsi-ayos na sila. Napaayos ako ng upo. This is the first time masasaksihan ko paano siya mag perform na tulad ng lagi niyang pinagmamalaki sa akin. "Boy ayon na ang crush mo, susunod na" bulong ng isang lalaking katabi ko sa kasama niya. "Hot chick talaga yang si Brielle pre, lalo na kapag sum

