Madami dami na din ang tao sa Dr. Wine ng dumating kami. Di ako masyado sanay sa ganitong place basta sumusunod nalang ako kay James. Dumiretso kami sa bar. At naupo sa medyo mataas na stool, inalalayan pa niya ako. Nag order siya ng Martini para sa akin at siya naman ay Negroni. Mukhang ito yata talaga ang kailangan. Walang bisa sa akin angb matapang na kape kanina. Pagka served sa akin agad ko itong ininum medyo napangiwi ako ng una, dahil naramdaman ko ang init na dumaloy sa lalamunan ko kahit na may yelo ito. Di ko tuloy napansin na pinagmamasdan lang pala niya ako. "Whoa, nondrinker pretty lady, amazing huh, i love you for that mate. " nakangiti niyang bulong sa akin. "A sort of" medyo nahihiya ko pang tugon. Aaminin ko nahilo talaga ako sa unang try palang. Pero gusto k

