Chapter Thirteen: Reflexes

1761 Words
"I love you, Logan. Sana mainlove ka na din sa akin." "I love you, Logan. Sana mainlove ka na din sa akin." "I love you, Logan. Sana mainlove ka na din sa akin." Parang sirang plaka na nag papaulit ulit sa utak ko. Magdamag niya akong hindi pinatulog. Magdamag niya akong pinag-isip. Magdamag akong nag mukhang tanga kakaisip sa ginawa kong kagaguhan kagabi. Isa akong malaking tanga. Oo, Ethan ang tanga tanga mong bakla ka. "Gan’yan mo icecelebrate ang birthday mo?" Nginisian ko lang si Dustin. "Happy 18th birthday my so beautiful cousin." I gave him the sweetest response. My middle finger. "God bless you. So, ano? Gan’yan ka lang? Nag kita na kayo ni Amber?" Tumango lang ako. "So kamusta? Kiss and make up?" Napahawak ako sa labi ko. "Sabi ko na, e. Minsan nakakatulong din ako." "Wala kang na itulong," inis na sabi ko. Nag kibit balikat lang siya. "Nand’yan na ba si Kuya Ferdinand?" "Wala pa, pero may binilin siya sa akin," may inabot siya sa akin na papel, "Part-time job daw." "Niloloko mo ba ako? Address 'to nung café nila Amber, e!" Nagkibit balikat siya. "Nand’yan na sa labas sila John." Napanganga na lang ako sa kanya. "Wala akong kinalaman d’yan. Si Kuya ang may gawa niyan." Nilabas ko na sila. "Ethan! Happy birthday! Ang tanda mo na talaga!" Alanganing ngumiti ako kay James. "Nag kita na kayo?" Bulong niya sa akin. Tumango lang ako ng konti. "Happy birthday Kuya Ethan!" Kokonyatan ko sana si John kaya lang mabilis ang reflexes niya kaya nakailag siya. "Ang tanda mo na 'tol! Paano ka ba namin naging barkada?" "Tado 'to! 17 na kayo mga kupal!" Napalingon ako kay Mark. "'Tol." Tumango lang siya. After nung nangyari nung laban medyo na hati kami. Since hindi nga ako pinapansin ni Mark si James ang lagi kong nakasama since mag kaklase kami. Si John naman kay Mark, wala naman silang pinapanigan. Katwiran nila wala naman daw may kasalanan kung pareho kami ng babae na nagustuhan, which I denied by the way. "So, Mark and John do’n kayo sa service ng hotel sumakay, alam na nung driver kung saan kayo ihahatid," may binato sa akin na susi si Dustin, "Birthday gift ni Kuya Ferdinand! ‘Yung kulay pula sa labas." Hindi kagad ako nakapag react. Pinalo lang ako ni James kaya parang biglang nag sink-in sa akin ‘yung sinabi ni Dustin. "It's all yours. Ah by the way James, ‘yung pinag usapan natin kagabi paki daanan niyo na lang ni Ethan. Thank you!" Tumango lang si James. "Ano 'yun?" Nag kibit balikat lang siya at hinatak na ko palabas. Napanganga ako ng bonggang bongga sa ganda ng kotse ko. "Shet." "Tara. Ikot muna tayo," mabilis na sumakay kami ni James sa kotse, "Pag 18 ko papabili talaga ako ng kotse." Nagpaikot-ikot kami sa malapit lang. Baka kasi matagalan kami kapag lumayo kami. Nung malapit na kong lumiko papunta sa café nila Amber bigla niya akong sinenyasan na ihinto muna sa gilid. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko. "May birthday gift ako sa iyo. Pero mamaya na lang. Sige tara na." Nag tataka man hindi na ko nag tanong. Masamang tumatanggi sa grasya. Kaya kung ano man ‘yung regalo niya. Tatanggapin ko. Pag dating namin nag hihintay sa labas sila Mark. Mga gago rin, bakit kaya hindi pa pumasok? Tinignan lang nila ako, kaya pag baba ko dumiretso kagad ako nang pasok. Napahinto ako sa entrance sa nakita ko. What. Ano 'tong nararamdaman ko? Para akong nanggigigil na hindi ko malaman. Si Amber nakatingin sa nakangiting guwapong lalaki. Pwera biro. Guwapo talaga. Nakita ko na siya kagabi pero parang mas guwapo siya ngayon. Gay hobby sorry medyo mahirap alisin 'to. "Logan," tawag sa akin ni Amber. Umiwas ako sa kanya nang tingin. Lumapit siya sa akin. As in sobrang lapit. Nakadikit na ‘yung braso niya sa akin. "Ano’ng ginagawa mo dito?" Medyo lumayo ako ng konti. "Lumayo ka nga ng konti." Napansin kong nakatingin sa akin si Justin kaya nag iwas ako ng tingin. Tinawag ko na lang ‘yung mga nasa labas. Habang nag kakamustahan sila nililibang ko ‘yung sarili ko. Sa pag lilibang ko nakita kong yumakap si James kay Amber ‘yung reflexes ko kusang hinatak si James palayo. Ewan hindi ko alam kung maiinis na ko. Tama ba si Amber? Nag seselos na ko? Kinakalma ko ‘yung alaga ko na nakakulong sa ribs ko. Gan’to talaga ako pag nasa malapit si Amber. Hindi ko alam kung masasanay pa ba ako rito. Nanlaki ‘yung mga mata ko nung yumakap si Amber kay Justin. Ano na miss ko? Nalingat lang ako saglit, e! Mag sasalita na sana ako kaya lang hinatak na ni James palayo si Amber, gano’n din ‘yung ginawa ni John kay Justin. Napangisi na lang ako sa naging reaction ni Justin. Yakap yakap pa kasi, e. Psh. Hindi ko alam kung ano ‘yung napag usapan nila. Hinatak na lang kasi ako bigla nila James palabas, e. Pag balik namin sa hotel inaya ako ni Mark na mag usap. Hindi ko alam kung ano ‘yung dapat kong maramdaman. Takot? Hindi, e. Hindi ako takot sa kanya. "Seryoso ka bang bakla ka Ethan?" Bungad na tanong niya. Nagkibit-balikat ako. "Siguro bi ako. You know, puwede sa boy, puwede sa girl." Nag iba ‘yung expression ng mukha. Galit. "Nag promise ka sa akin na hindi ka mag kakagusto kay Amber," inis na sabi niya. Umiwas ako nang tingin sa kanya. "Wala akong sinasabi na gusto ko si Amber." "Pero ‘yung kinikilos mo..." Sinuntok niya ako, pero dumaplis ng konti kasi nakaiwas kagad ako. "Mark, sinusunod ko ‘yung pangako ko. Walang akong ginagawa. Kaibigan pa rin kita kaya..." "Kaya ano? Kahit gusto mo si Amber hindi mo sinasabi?" Hindi ako sumagot. 'Wag niya akong pilitin. Alam ko nasa in denial stage pa rin ako at ang in denial stage ay ang unang stage ng love. s**t. "I want a fair fight." Tinignan ko lang siya. "Unfair sa iyo kung dahil sa akin nag pipigil ka. Let's be fair. Kung sino pipiliin ni Amber... No hard feelings." "Ewan ko sa iyo. Psh." Iniwanan ko na siya. Mag papahinga na lang ako sa kwarto ko. Ang gulo gulo ko na. Nakakainis. Pag pasok ko sa kwarto ko may malaking box. As is super laking box. Mga kasing height ko ‘yung box nakabalot ng gift wrapper na may super laking ribbon. Ito na ba ‘yung regalo ni James? Sobrang laki naman ata. Hinatak ko ‘yung laylayan ng ribbon na may nakalagay na 'Pull here!' Napaiwas ako nang tingin. Potek! May lalaking naka pants lang ang lumabas sa box. "S-Sino ka?" Hindi ako makatingin sa kanya. Ang ganda ng katawan shet. "I'm Luke. Pinsan ni James." Nasamid ako nung narinig ko ‘yung pangalan ni James. "So, you must be Ethan. Happy birthday!" Sabay yakap sa akin. Shet heaven. Ang tigas ng muscles niya. Napalunok ako ng tatlong sunod nung lumayo na siya sa akin. "So, ano plano mo?" "T-teka puwede kausapin ko muna si James? Hindi ko kasi gets kung bakit ka nandito?" Umupo siya sa kama ko. Shet. Guwapo rin ang mokong. "Puwede mag tshirt ka muna?" Nag kibit balikat lang siya. Dinial ko kagad ‘yung number ni James. "Ano nagustuhan mo ba regalo ko?" natatawang tanong niya. "Gago ka! Ano’ng ginagawa nito dito?" Mahina pero mariing sabi ko. "Tinitignan ko kung bakla ka nga talaga. Ano’ng nararamdaman mo?" "Gago ka. Paalisin mo na 'to. Baka makita 'to ni kuya. Papatayin kita." "Don't worry sabi ni Kuya Dustin bukas pa dadating si Kuya Ferdi, e, hanggang 12 midnight lang naman 'yan, e." "Tado ka. Pag ito hindi umalis ikaw papaalisin ko. Uuwi ka ng Manila ng wala sa oras." "Enjoy-in mo na lang. Guwapo naman 'yang pinsan ko, e." "Fvck you ka." "You're welcome! Happy birthday!" "So, ano na gagawin natin?” Ibinababa ko ‘yung phone sa night stand ko. At humiga sa kama ko. "Nasa legal age ka na ba?" "Gago. Uuwi ka na at ako matutulog." Pagkatapos no’n hindi ko na alam ang nangyari. Malamang nahimbing lang ako sa tulog. Pag bangon ko nakita ko si Luke nakahiga sa sofa. Nandito pa rin 'to? Tinignan ko ‘yung damit ko. Okay pa naman. Baka kasi kung ano ginawa sa akin habang na tutulog ako, e. "Hoy bakit hindi ka pa umuuwi?" Imbis na sagutin ako tinignan niya lang ‘yung wrist watch niya. "B-bakit?" Pinagtulakan niya ako sa banyo. "Bilisan mo na. May gig kayo ng 6pm 5:30 na!" Nag tataka man sinunod ko na. Problema kaya no’n? Pag labas ko nakatapis lang ako pero may underwear na ko. "Sigurado ka bang 18 ka lang?" Inambahan ko siya ng suntok nakailag. "Manyak ka ba? Lumayas ka nga sa paningin ko." Nginisian niya lang ako. Sinenyasan ko siya na tumalikod dahil mag bibihis ako. Ginawa naman pero ramdam ko sumisilip. Tangna 'tong pinsan ni James mukhang may pag nanasa sa akin. Pag dating namin sa Café nila Amber, nando’n na sila John. Pinag tatawanan nila ako dahil 'tong si Luke parang tukong nakadantay sa braso ko. Tinutulak ko na nga ayaw pa umalis. Nakakairita na hindi ko mawari. Mukhang ka age ko lang siya pero mukhang madami na siyang experience. Nakakakilabot na hindi ko mawari. Hinayaan ko na lang, mukhang walang balak umalis, e. Pag pasok na pag pasok ko inayos ko kagad si Lucifer. Hindi ko ineexpect na madaming tao. Habang tumutugtog kami napapatingin ako kay Amber. Hindi siya samin nakatingin. Kay Luke lang. Para siyang inis na hindi ko maexplain. Si Luke naman kulang na lang himatayin sa kilig hindi naman siya ‘yung kinakantahan ko. Buti na lang hanggang 12 midnight lang 'to. Nung matapos ‘yung set namin inabutan ako ni Luke ng mineral water. Pinunasan din niya ako ng pawis. Iniiwas ko ‘yung mukha ko. Pag tingin ko sa side ni Amber. Wala. Nawala na naman ako sa sarili ko. Na abutan ko na lang na hinahatak ko na ‘yung silya ni Justin palayo kay Amber. "What was that?" Tanong ni Justin sabay ngisi. Sungalngalin kita, e. Psh. Hindi ko na siya pinansin at kinuha na lang si Lucifer sabay labas. Hinabol pa ko ni Luke pero pinaharurot ko na lang ‘yung kotse ko. Ang ganda naman nitong birthday ko. Masyadong memorable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD