Chapter Seventeen: E-th-an.

1670 Words
AMBER Tinitigan ko ng masama si Logan habang enjoy na enjoy siya sa panunuod sa mga lalaking nag kakayak. Kung sabunutan ko kaya 'tong baklang 'to? Nung isang araw lang ang sweet sweet niya sa akin, e! Don't tell me pinakilig niya lang ako dahil birthday ko? Baka gusto niya makatikim sa akin. Psh. "'Wag mo kong tignan nang gan’yan. Kung pumayag ka naman kasi na maging girlfriend ko e, ‘di sana hindi na ko tumitingin pa sa iba." Sinabi niya 'yun without looking at me! Tapos tapos! "Ohh. What a muscles. Aray! Bakit ka nakabatok d’yan?!" "Dapat hindi na kita sinama, e! Nakakainis ka! Tss." Tumayo na ko at iniwanan ko na siya. Bwisit! Tangayin sana siya ng anod. Badtrip. "Nakakainis. Sa dami nang titignan niya lalaki talaga? Puwede namang babae! Ang daming nag lilipanang babae dito sa lalaki pa siya nag lalaway! Nakakainis talaga!" "Bossing nagkakaroon ng hukay bawat hakbang mo ah?" Tinignan ko ng masama si James. "Buko juice gusto mo? Pampalamig ng ulo?" Inagaw ko sa kanya ‘yung baso at tinungga. "Tara Ysabelle mag kayak din tayo!" Wala na kong nagawa nung hinatak ako ni Justin papunta sa pampang. "Dito ka sa unahan." Tinulungan niya akong sumampa. Nakita ko sila Logan pinapanood lang kami. Inirapan ko na lang. Kainis talaga. "Tara mag pakalayo layo tayo!" Nag simula na mag sagwan si Justin. Paatras kaya nakikita ko pa rin si Logan. Nanlaki ‘yung mga mata ko nung may lalaking lumapit sa kanya.Sinusubukan kong basahin ‘yung buka ng bibig nila pero ang hirap pati parang ibang language. Mukha kasing foreigner ‘yung lalaki, e. Inaya rin yata mag kayak kasi sumakay rin sila, e. "Malapit na talaga akong mapikon." Medyo nilingon ko si Justin. "Tara bumalik na tayo. Nakakawalang gana. Tss." "Bakit babalik?" Ngumisi siya sabay tingin kay Logan. "Tignan natin kung susunod." Binilisan niya ‘yung pag sagwan at dinala niya sa medyo malaking bato. "Aray. Pinulikat yata ako." Inalalayan niya ko hanggang nasa pampang na kami. "Tignan ko nga." Inayos niya ako ng upo sa gilid ng bato para makasandal ako. "Masakit ba?" "Oo. Aray! Dahan dahan lang!" Minasahe niya ng konti ‘yung binti ko. "Konti pa. Sa medyo bandang baba. Ah~ D’yan!" Inikot ikot niya pa ‘yung paa ako. "Ah~ Ang sarap Justin! Iangat mo pa ng konti." Inangat niya sa gitna ng binti ko. "Idiin mo pa. Ayaaaaan!" Napapapikit pa ko sa sarap nang masahe ni Justin. "Ano’ng ginagawa niyo?!" Napatingin kami kay Logan. "Oh hi!" Bati ko sa kanya. Tinignan niya ‘yung kamay ni Justin. "Pinulikat kasi ako, e. Ay!" Bigla na lang niya akong binuhat. "Ibaba mo nga ako." "Hindi." Ang sama nang tingin niya sa akin. Akala ko nga bigla na lang niya akong ibabagsak sa tubig eh. Pero hindi naman dahan dahan niya akong binaba sa kayak. "Ang macho mo pala, Logan, 'no?" Alanganing ngumiti ako nung tinignan na naman niya ako nang masama. "Wala naman kami ginagawa ni Justin, e. Tss." "Are you alright, miss?" Tinignan ko ‘yung foreigner. Ang ganda ng accent niya huh. "She's fine. I'll take her with me." Sumakay na rin siya. Ang suave ng bawat galaw niya. Parang familiar na talaga siya sa kayaking. "Logan." Nag 'hmm' lang siya. "Bakla ka ba talaga?" Dahil nakatalikod ako sa kanya hindi ko alam ‘yung reaction niya. "I mean, bakit parang ang galing mong mag kayak? Ang ganda ng katawan mo. Ang guwapo guwapo mo. Hindi ko maisip kung paano ka naging bakla." "I have a father, Amber. Hindi madaling sabihin sa kanya na 'Hi Dad your only son is a gay.' parang gumawa na din ako ng sarili kong pag lilibingan. That's not easy. Para matago ko 'yun kailangan kong gawin lahat nang ginagawa ng mga lalaki which is a good thing." Medyo nilingon ko siya. "Good thing? Bakit?" "Pag nag gigym ako para akong nasa isang kwarto na puno ng mga pinag palang nilalang. Gano’n din tuwing nag kakayak kami. Katulad na lang nung lalaki kanina, o ‘di ba? Ako na pinakaswerteng nilalang." Dahan dahan akong tumayo. "Umupo ka nga, baka bigla kang mahulog d’yan." Mabilis akong umupo nung nakaharap na ko sa kanya. "So, ang gusto mo talaga lalaki? Ipagpapalit mo ko sa kanila?" Bigla siyang napaisip. "Why not? Kung gusto ba nilang maging boyfriend ko, walang problema sa akin." Napanganga ako sa sinabi niya. "Huh! Grabe Logan. Hindi kita kinakaya," tinignan ko siya nang masama, "Lalaki huh?" Tinitigan ko lang siya hanggang ibinababa na niya ako. "Hindi ka ba titigil kakatitig sa akin?" Hindi na ko sumagot. Titignan niya sana ‘yung binti ko pero nag lakad na ko palayo sa kanya. Makakain na lang muna. Ginugutom ako sa beki na 'yon. Hindi naman ako maiinis kung sa babae ako mag seselos, e. Kaya lang grabe! Kailangan talaga lalaki ang pag selosan ko?! As in?! Parang hindi ko matetake 'yun! Ay teka! Lalaki naman ako dati ah? Tama! Bakit ba ngayon ko lang naisip 'yun? Hindi dapat ako nakaupo lang dito at nag mumukmok. "Oy saan ka pupunta?" Tinignan ko nang masama si Logan. "Sa hell sasama ka? Psh." Nagkibit balikat siya. "Okay lang basta..." Tinignan niya ako. Shet. Basta ako ba ang kasama? "kasama sila." Sabay turo sa mga lalaking nag kakayak. "Matusta sana sila sa init ng araw! Bwisit!" Nag lakad na ko paalis. Umakyat ako sa tindahan ng souvenir. Bumili ako ng board short, tshirt at cap. Pagkapalit ko hinanap ko na kagad sila. Nasa cottage lang pala. Nakapuwesto na sila na parang kakain na ng lunch. Magsasalita na sana sila nung nakita nila ‘yung ayos ko kaya lang sumenyas ako na 'quiet'. Tinignan ko si Logan, may tatawagan yata. Biglang nag vibrate ‘yung phone. Ay ako yata tinatawagan! Ako nga! "Nasaan ka ba? Kakain na bakit wala ka pa dito?" "Nandito na ko." Dahan dahan siyang lumingon sa akin. "Hi." Alanganing ngumiti ako. Bigla niyang tinakpan ‘yung bibig niya at tumalikod. Nilapitan ko kagad. "Uy okay ka lang ba?" "O-oo." Medyo hinawi niya ako ng konti. "Konti pa susuko na talaga ako sa iyo, Logan," huminga ako ng malalim at umupo sa sahig, "Sabi mo gusto mo ng lalaki. Ito nag pakalalaki na ulit ko! Tss." Aalisin ko sana ‘yung cap ko kaya lang pinigilan niya. Napatingin ako sa kanya. "Let's go." Nagtatakang tinitigan ko lang siya. Namumula ‘yung tenga niya. "Tara na." Hinawakan niya ‘yung kamay ko at saka tinayo. "Walang susunod. Ang susunod papakain ko sa pating." At hinila na niya ako palayo. "Woo! Mananaching ka lang, e!" Sigawan nila do’n. Tinignan ko ‘yung kamay ni Logan na nakahawak sa akin. Come to think of it. Ngayon lang niya hinawakan ‘yung kamay ko. Nung una kasi shake hands lang bumibitiw kami kagad. Pero ngayon... Ang warm ng kamay niya. Parang gusto ko na lang hawakan lagi. "Are you that desperate to get my attention?" Bigla siya umupo sa buhangin. "Kanina si Justin ngayon... 'yan," sabay face palm. "Si Justin may idea no’n hindi ako. Ayaw mo ba nito?" Tinignan ko ‘yung ayos ko. Okay naman ah? "Guwapo ko nga, e." Bigla niyang hinatak ‘yung kamay ko. Napaupo ako sa lap niya. Napatitig na lang ako sa mukha niya. "Ayaw mo pa din maging girl-s***h-boyfriend ko?" Inilagay niya sa bewang ko ‘yung dalawang kamay niya. Napalunok ako ng tatlong sunod. Grabe ‘yung tingin niya sa akin. Unti unti niyang nilapit ‘yung mukha niya, makaka-score na naman! Umiwas ako nang tingin. "Ayaw ko pa din. Sabihin mo muna." Biglang namula ulit ‘yung tenga niya. "Namumula tenga mo! Ang cute!" Umiwas siya nang tingin. Umayos na ko nang upo. Lumipat ako sa tabi niya. Medyo sobrang nakakakilig na kasi ‘yung puwesto namin kanina, e. "Mahirap ba talagang sabihin 'yun?" Tinignan ko siya at humugot ng lakas ng loob. "Logan, mahal kita." Napatitig siya sa akin. "Aaah! Kinikilig ako shet! 'Wag mo kong tignan nang gan’yan." "Amber, tawagin mo nga ako sa first name ko." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. "Logan." Umiling siya. "First name mo 'yun, 'di ba?" "Hindi. Dalawa first name ko. Never mo pa akong tinawag sa first name ko." Napakunot ‘yung noo ko. "Ano’ng tawag sa akin nila Mark?" "Hindi ba Logan?" Bigla siyang natawa. "What? Logan, 'di ba?" "E-th-an." "Logan?" Umakbay siya sa akin. Ang bilis ng t***k ng puso ko tapos parang may lula sa tummy ko. Para akong sumakay sa Space Shuttle. "Alam mo isang beses mo pa lang nasasabi pangalan ko. Galit ka pa no’n. Pero okay lang, at least na sabi mo. Sarap kaya sa tenga." "Natawag na kitang E-e-r." Bakit ba hindi ko masabi? Ethan! Ethan lang 'di ko pa masabi? "Basta 'yon. Natawag na kita do’n?" Tumango siya. "Ethan, Amber. Ethan." Sinubukan kong sabihin, pero hindi ko talaga kaya. "Haha. Okay lang sa akin Logan, ikaw lang naman tumatawag sa akin no’n, e." Pinalo ko siya sa dibdib. "Mahirap, 'di ba? Gan’yan din ako. Gustong gusto kong sabihin 'yun. Hindi ko lang talaga magawa." Hinawakan niya ‘yung kamay ko at inilapat sa dibdib niya. Ang bilis talaga nang t***k nito. "Sa ngayon ito muna. Soon, promise. Masasabi ko din 'yun." "E.. than." Napatingin siya sa akin. "Hehe. Ang cute mo talaga pag nag bablush." Lalong bumilis ‘yung t***k ng puso niya. "Ganito mo ko kamahal?" Hinawi niya ‘yung kamay ko. "Okay lang, mag hihintay ako." Ngumiti siya sa akin. "'Wag ka na lang titingin sa lalaki. Ang weird kasi eh. Sa lalaki ako nag seselos." "Kahit naman tumingin ako sa kanila..." Nilapit niya ‘yung mukha niya sa mukha ko. Nararamdaman ko ‘yung pag hinga niya. Ito na ba 'yun? Sasabihin na niya? "... Sa iyo pa din ang hinto ng mga mata ko." And I just died with his kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD