KABANATA 31

2326 Words

RAUL’s POV Muli kong sinulyapan si Lavinia sa rearview mirror ng kotseng aking minamaneho ngayon. Mula nang sunduin ko siya sa university na pinapasukan niya ay malungkot na ang kanyang mukha. Muli kong naalala ang naging pag-uusap namin ni Marta tungkol kay Lavinia. Sinabi nito sa akin na iniisip ng bunsong anak ni Emilio Mondragon na pinagtataksilan siya ng boyfriend na si Justin kasama ang kanyang tatlong kaibigan. Kung totoo man iyon, ang angas naman pala ni Justin. Pinagsabay-sabay ang tatlong babae at mga kaibigan pa ng girlfriend nito. Siguro ay hindi pa rin nagkakaayos ang magkasintahan kaya parang hindi maipinta ang mukha ni Lavinia. Kung iisipin, wala pa akong ginagawa kay Lavinia bilang parte ng aking paghihiganti. Naisip ko noon na pwede kong gamitin ang kanyang kalungkuta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD