RAUL’s POV Hindi ko napigilan ang pagkalat ng guilt sa aking buong sistema nang makitang tumatawag ang aking butihing asawa sa screen ng aking phone. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag na iyon o hindi. Muli akong nagkasala rito dahil bumigay na naman ako sa tuksong hatid ng isa sa mga babaeng Mondragon. Si Adriana. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa babaeng iyon ngunit halo-halong emosyon ang binubuhay niya sa aking katawan. Minsan ay naiinis ako sa kanya dahil sa taglay niyang kasungitan. Ngunit kung pagbabasehan ko naman ang pagtrato niya sa ibang tauhan sa loob ng kanilang mansyon ay parang sa akin lamang niya madalas ipinamamalas ang kanyang katarayan. May mga pagkakataon pang nagmamataas siya na talaga namang madaling nakapagpapairita sa akin. Mabuti na laman

