THIRD PERSON POV Masayang-masaya ang binatang si Emilio Mondragon nang araw na iyon dahil na-close niya ang isang deal with an investor para sa kanilang kompanya, ang Mondragon Holdings, Inc. Iyon ang kauna-unahang beses na na-close ni Emilio ang isang deal with a potential investor for their company. Proud na proud ang ama ni Emilio Mondragon sa kanya at hindi mapalis ang ngiti sa mga labi ni Emilio rahil sa mga papuring naririnig mula sa iniidolong ama. Agad na ibinalita ni Emilio sa kasintahang si Ingrid ang magandang balita ngunit ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang mahimigan mula sa kabilang linya ng phone na parang wala sa sarili ang kanyang fiancée. Excited na ibinalita ni Emilio sa kanyang kasintahan ang kanyang achievement ngunit wala man lamang itong reaksyon at nang

