Pagkalapag ng eroplano sa San Francisco International Airport ay may isang private car na sumundo sa kanila. “Sir Atlas! Tagal na natin di nagkikita” Bati ni Kuya Lino, isa sa mga driver nila Atlas sa bansang yun, ito ang isa sa mga nakasama niya sa pamamalagi niya dun ilang taon na ang nakaraan. “Kuya Lino! Kamusta ka na? Oo nga eh, mukhang tumatanda na tayo ah” Bati at biro ni Atlas dito “Eto ok pa rin naman, ikaw kamusta ka na?” Tanong din ni Kuya Lino sa kanya, at napabaling ang tingin kay Kylie na tila nastar struck sa paligid dahil panay ang tingin kung saan saan. “Eto na ba si Kylie? Ang bukod tanging babaeng nakapagpaiyak sayo?” Pangaasar ni Kuya Lino “Kuya wag mo na nga ako ibuking!” Saway agad ni Atlas. Nangiti naman si Kylie sa narinig pero di na rin muna sumagot. “Tara

