Pareho lang ang naging set up nila pauwi, kay Atlas pa rin siya nakasakay. Tahimik lang ang pareho,walang sino man ang nagbanggit sa nangyari kahapon. Mabilis lang ang naging byahe nila, napansin ni Kylie na parang di eto ang daan pabalik sa opisina “May pupuntahan ka pa? Tanong ni Kylie “I’m driving you home” Simpleng sagot ni Atlas “Di na sa office na tayo dumerecho” Pagtanggi naman ni Kylie Hindi na sumagot si Atlas and continued driving. Di na rin naman nagpumilit si Kylie. Pagkarating nila sa bahay ni Kylie ay nagpaalam na siya. “Salamat, at ingat ka” Pormal na paalam ni Kylie Tumango lang si Atlas “Ikaw din, magpahinga na” “Aaattteeeeeeeee!” Sigaw ni Cassie “Cassie! Long time no see” Tuwang tuwa bati ni Kylie “Itong magkapatid na to 3 araw lang akala mo isang taon di nagkita

