Pagdating ni Kylie sa venue ay agad siyang tinawag nila Jane. “Kylie! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namen tinatawagan ah!” Tarantang reklamo ni Jane “Sorry naman, late ako nagising eh. kamusta na ba dito?” Agad na tanong ni Kylie “Eto medyo magulo pa, isang oras pa bago magsimula. Pero marami rami pa kailangan ayusin” Tarantang sabi pa rin ni Jane “Relax ka lang kaya natin yan, tara!” Sagot ni Kylie at hila kay Jane. Samantala si Atlas ay nasa office niya lang at naghihintay lang ng oras. Iniikot ikot niya lang ang picture frame na nasa table niya. Nang may kumatok ay pinapasok niya din naman ito. “Atlas! Ano ibigsabihin nito? Kung hindi ko pa narinig sa balita eh hindi ko pa malalaman!” Galit na pasok ni Mikey sa loob ng office niya “Alam mo na rin naman eh.” Walang pakialam n

