Chapter 4

2436 Words
Pagkauwi nila Kylie at nang napatulog niya na ang kapatid ay dumerecho ito sa isang drawer at nilabas ang isang box. Isa etong personalized necklace. Isinuot niya ito at di mapigilan na mamuo na naman ang luha niya habang isa isa bumalik sa kanya ang mga nangyari. Flashback…….4 years ago… Nagkakilala si Kylie at si Atlas sa unang taon ng kolehiyo. Blockmates sila at naging  magbarkada at sa di kalaunan ay nagkamabutihan. Ang tawag nga sa kanila ay ang sweetest couple on campus dahil kahit saan pumunta ang dalawa ay di maitatago ang kasweetan nila sa isa’t isa. Pero tulad ng bawat relasyon ay may mga bagay lang talaga na hindi maiiwasn. “Hon, I think its time to meet my mom”  Suhestyon ni Atlas sa kanya “Ha? Umuwi na mommy mo?” Gulat na tanong ni Kylie sa kanya “Yup! The other day and I think it’s the right time na ipakilala na kita” Pangungulit nito sa kanya “Ehh..kelan?” Bakas sa boses ni Kylie ang pagaalinlangan nito “Tomorrow, 7 pm. I’ll fetch you”  Dagdag ni Atlas Tumango lang naman si Kylie “Oh bakit parang ayaw mo?” Kunwaring tampo ni Atlas “Ahh hindi naman” Pilit ang ngiti ni Kylie “Don’t worry it would be alright” Assure ni Atlas sa kasintahan. Bakit nga ba siya di masaya sa idea na yun? Ikaw ba naman kasi anak ng isang simpleng may-ari ng maliit na retail store at ang boyfriend mo ay anak ng isang may ari ng malaking hotel sa ibang bansa kung hindi ka manliliit. Kahit na ilan beses na iassure sa kanya ni Atlas na hindi yun magiging issue ay hindi pa rin matanggal ang takot at kaba sa kanya. Sabi ni Atlas sa kanya masyado lang daw siya nanunuod ng mga teleserye. Sa araw ng pagkikita nila ng mama ni Atlas ay simple lang ang suot niya, nagayos ng konti at ready to go na siya. “Atlas ok na ba tong ayos ko?” Di mapakaling tanong ni Kylie Hinawakan ni Atlas ang balikat ni Kylie para kumalma ito “You are fine, simplicity is beauty” Simple nitong sabi “Bolero ka talaga!” Mahinang hampas ni Kylie pero kahit papaano ay nahimasmasan na ito “So game?” Tanong ni Atlas “Game”sagot ni Kylie at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Atlas Malayo palang ay nakita na ni Kylie kung saan na kaupo ang mommy ni Atlas, she was quite intimidating, eleganteng manamit, at higit sa lahat ay maganda. “Kylie this is it” Bulong niya sa sarili Pagkatapos niya magpakilala ay umupo na sila para kumain. May mga saglit na kwentuhan at tanungan ang nangyari pero tila wala naman importanteng napagusapan. Nang patapos na sila ay inutusan ng mommy ni Atlas si Atlas na bayaran na muna ang bill at iwan sila ni Kylie saglit. “So Kylie, your dad owns a merchandise store in Manila right?” Tanong ni Mommy Claire “Opo tita” Sagot ni Kylie “And your mom?” Follow up na tanong ni Mommy Claire “She’s a elementary public school teacher” Agad din na sagot ni Kylie “You are studying at the same university with my son right?” Tanong ulit ni Mommy Claire “Opo I am a academic scholar” Sagot ulit ni Kylie “I see…” Maikling sagot ni Mommy Claire “Nabanggit ba ni Atlas sayo ang balak ko na pagdala sa kanya sa States para ituloy ang pagaaral niya?” Tanong ni Mommy Claire “Hindi po...” Alanganin at gulat na sagot ni Kylie “Tinanggihan niya ang offer. Ayaw niya daw. “  Nagsimula na magiba ang tono ni Mommy Claire “Hindi man niya sinasabi sa akin ay alam kong ikaw ang dahilan, last year I come to know that my son has a girlfriend. Hindi ko na pinansin hinayaan ko na kasi akala ko hindi naman kayo magtatagal, pero come to think of it mag dadalawang taon na kayo” Tila di natutuwa na sabi ni Mommy Claire “Ano po ibig niyong sabihin?” Naguguluhan tanong ni Kylie “Hindi pa ba malinaw? I don’t like you. Mabait kang bata, matalino at mukhang responsable pero hindi ka bagay sa anak ko” Derechong sabi ni Mommy Claire “And to be honest, she has a fiancee waiting for him abroad. Hindi niya pa ito kilala pero makikilala niya rin soon. I agreed to meet up with you today to tell you this.” Ilan sa mga masasakit na salitang binitawan ni Mommy Claire Parang binagsakan ang buong mundo ni Kylie nang marinig ang mga katagang yun galing sa bibig ni Mommy Claire, alam niyang di siya magugustahan ng mama ni Atleast pero di niya inexpect na ganito agad ang mangyayari sa kanila “Now, it is either you personally give up or I’ll do something to break you up” Babala ni Mommy Claire sa kanya “Tita..can I ask a favor?” Halos buong lakas niya na ang hinugot niya para masabi niya ito “Can I be with him until he leaves?” “We are leaving in two weeks. Fine bahala ka, basta ang sinasabi ko sayo once we leave, don’t meddle with my son’s affair anymore” Hindi pa rin nagbabago ang tono ni Mommy Claire “Hey I’m back, kinuha ko na rin yun kotse so let’s go?” Biglang dating ni Atlas “Let’s go. It was nice meeting you Kylie” Sabi ni Mommy Claire sa kanya at isang pilit na ngiti lang ang binigay ni Kylie sa kanya. Sa loob ng sasakyan ay tahimik lang si Kylie at napansin naman agad ito ni Atlas. “Kylie are you alright? May nangyari ba nun wala ako? Curious na tanong ni Atlas “Wala naman” Ngumiti si Kylie para di na masyado magtanong si Atlas “Hon..” Tawag ni Kylie sa katabi ‘Yes?” Agad naman na sagot ni Atlas “Ano plano mo next Saturday?” Biglang tanong ni Kylie Napangiti naman si Atlas sa tanong ni Kylie. 2nd year anniversary na nila next week. “Secret” Malokong sagot ni Atlas “Weh! Ang daya mo naman eh..dali na” Pagpilit ni Kylie “Punta tayo Batangas. Hep yun lang won’t give any details” Hirit ni Atlast at sumuko na si Kylie magtanong “I love you Atlas” Yumakap  si Kylie sa kanya kahit na nagdridrive ito “I love you too” Sagot nam ni Atlas sa kanya kahit na nagulat ito sa ginawa niya. “Kylie ok ka lang ba talaga?” Di makampanteng tanong ni Atlas “Oo nga kulit” Sagot ni Kylie sabay kurot sa ilong ni Atlas “Ikaw talaga biglang maging sweet tapos biglang maging brutal” Biro ni Atlas “Che!” Tawa ni Kylie Sa sumunod na Sabado maaga palang ay nasa Batangas na sila. Umikot sila sa beach, sumali sa iba’t ibang activities na meron dun. Nagswimming, kumain, namasyal at nagsight seeing. Masayang masaya ang dalawa sa buong araw. Kinagabihan ay isang dinner naman ang hinanda ni Atlas sa kanya “Ikaw nagluto nitong lahat?” Tanong ni Kylie “Yup! Dali tikman mo na” Excited na alok ni Atlas “Sige nga matikman nga” Sagot ni Kylie at tinkman ang isang ulam “So kamusta?” Tanong ni Atlas “Pwede na…”sagot ni Kylie “Pwede ka nang mag-asawa” Biro ni Kylie “Hon naman eh, biro yan sa mga babae eh. Pero pwede rin basta ready ka na eh” Biro pabalik ni Atlas “Wala pa sa isip ko yun noh” Sagot agad ni Kylie “Alam ko, joke lang yun. Dali kain na tayo baka lumamig yan” Yaya ni Atlas Pagkatapos nila kumain ay may hinanda pa rin si Atlas para sa kaniya. “Kylie, I have something for you” Labas ni Atlas ng isang maliit na box mula sa bulsa niya “Ang dami mo nang binigay sa akin ah..” Reklamo ni Kylie “Ok lang yan, di pa naman ako bankrupt” Biro ni Atlas “Kahit na.. I mean tama na..”Sagot ni Kylie “Last na to..here for you..open it” Lagay ni Atlas ng box sa kamay ni Kylie “Ano to?”Alanganin tanong ni Kylie “Wag ka magalala di yan singsing..open it para malaman mo” Pagpilit ni Atlas Binuksan ni Kylie ang box at nagulat siya sa kung ano ang laman nito. Isa itong personalized necklace na nakaukit ang pangalan nilang dalawa. “Diba, para alam ng lahat na taken ka na.” Tumayo si Atlas at sinuot ang kwintas sa kanya “Do you like it?” Kylie just nodded. “Atlas bakit ba ang bait bait mo sa akin, paano kita papakawalan nito” Isip ni Kylie at dahil dito di niya napigilan maiyak “Ohhh bakit ka umiiyak?” Nagulat si Atlas nang pumatak ang luha sa mga mata niya “Wala naman” Tumayo si Kylie at yumakap sa kanya. Niyakap din naman siya ni Atlas. “Thank you Lief, thank you sa lahat” Pasasalamat ni Kylie sa kanya sa gitna ng paghikbi “I really love it when you call me by my second name.” Tila kinikilig na sabi ni Atlas. “I love you Atlas Lief..”sabi ni Kylie “I love you more Kylie Faye” Sagot ni Atlas at agad na hinalikan ang mga labi ni Kylie. Kinabukasan ay nagsimba sila bago umuwi habang nasa daan ay sinimulan na ni Kylie ang matagal niya na gustong sabihin. “Hon, nabanggit sa akin ng mama mo ang paglipat mo sa States” Lakas loob na sinabi ni Kylie “Ah yun? I already declined that offer” Agad din sagot ni Atlas “Pero bakit? Sayang din yun chance na yon” Sinubukan ni Kylie na kumbinsihin si Atlas “Eh kasi ok naman ako dito, at nasa kalagitnaan tayo ng sem sayang naman kung idrodrop ko diba..besides ayaw ko malayo sayo…” Pag-amin na sagot ni Atlas “Hon di naman pwede na dahil sa akin suwayin mo ang gusto ng nanay mo diba? Ayaw ko rin maging stumbling block sa buhay mo.” Pilit na sabi ni Kylie “Hon, 4 years is just too long..” Reklamo ni Atlas “It’s for your own good.Ayaw mo ba mas magaling pa? Ayaw mo ba madevelop pa kung ano meron ka?”Tanong ni Kylie sa kanya “Kuntento na ako sa kung ano mabibigay sa akin dito.”Matigas pa rin nasabi ni Atlas “Teka bakit ba feeling ko gusto mo ako umalis ako?” May halong tampo na sa boses niya “Lief, hindi naman sa tinataboy kita pero sayang yun chance mo..sayang yun chance mo. Tsaka sa panahon ngayon di naman na mahirap magcommunicate kahit nasa malayo ka diba? Basta may internet tayo makakapagusap na tayo? “ suhestyon ni Kylie “Kylie all lies...lies…stop lying”  Isip ni Kylie “Pagiisipan ko Hon..” Seryosong sabi ni Atlas “Pagisipan mo mabuti” Sagot naman ni Kylie Dumaan ang araw at napagdesisyunan ni Atlas nasundin ang payo ni Kylie na sumama na sa nanay niya sa States. Napakiusapan niya ang mommy niya na iextend ng isang linggo para naman magkaoras siya para ayusin ang mga dapat ayusin, at madagdagan ang oras nila ni Kylie. Pero kahit anong gusto nila delay sa oras ay sadyang mabilis ito na dumarating. Nasa Airport na si Atlas at hinatid naman siya ni Kylie. “Atlas, I have something for you” Sabi ni Kylie “Ano naman yun?” Tanong ni Atlas na bakas na sa boses ang lungkot “Here..” Abot ni Kylie sa kanya ng isang sobre at isang regalo “Ano to?” Tanong ni Atlas sa kanya bubuksan niya na sana ito “Open it pag nasa airplane ka na..” Pigil ni Kylie “Atlas,kailangan na natin pumasok” Tawag ni Mommy Claire “Sige na Hon, tawag ka na ng mommy mo” Saway ni Kylie sa kanya “Kylie, promise me one thing”  Seryosong sabi ni Atlas “Ano yun?” Tanong ni Kylie “Promise me you’ll wait for me, promise me your heart would stay with me..” Seryosong sabi pa rin ni Atlas “Hi naman one thing yun eh, two things yun” Nakuha pa magbiro ni Kylie “Di ako nagbibiro..Kylie Faye can you?” Tanong ni Atlas Tumango lang si Kylie bilang sagot “Mag-iingat ka dito ah, and take care of yourself” Bilin ni Atlas sa kanya “Ikaw din” Pilit na pinapasigla ang boses “I love you..” Pahabol pa ni Atlas “I love you too..”sagot ni Kylie at siya na mismo lumapit at binigyan ng isang halik ang nobyo. Pinipilit niya pigilan ang mga luha niya dahil ayaw niya na makita siya ni Atlas na umiiyak na naman. “Sige na, alis ka na baka maiwan ka na ng eroplano mo” Taboy ni Kylie sa kanya “Edi mas mabuti” Pigil ni Atlas sa pagtulak sa kanya “Weh!” Hampas ni Kylie sa kanya “Sige na..pasok ka na..” “Sige na nga, I’m leaving. Keep in touch ah” Bilin ulit ni Atlas Kylie nodded and with this pumasok na si Atlas sa loob ng airport. Nang nakapasok na si Atlas sa loob ay di na pinigilan ni Kylie ang mga luha niyang kanina pa gusto lumabas. “Goodbye Atlas, Sorry and I love you” Bulong ni Kylie sa  hangin. End of Flashback Yun na ang huling paguusap at pagkikita nilang dalawa at ngayon pagkalipas ng apat na taon ay muli na naman nagkrus ang mga landas nila. “Ano na ba ang dapat kong gawin?” Tanong nito sa sarili sa harap ng salamin na hindi pa rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha. Sa kabilang banda ay di pa rin tulog si Atlas at hawak ang sobre at ang kahon nang niregalo ni Kylie sa kanya bago ito umalis. Kakatapos niya lang basahin ulit ang nakalagay sa loob ng sulat. There were no signs of what would happen to them when he arrives in the new city written in the letter. It was full of hope, full of happiness and full of love. “Kylie, bakit? Paulit ulit na tanong ni Atlas sa isip niya  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD