“Angela, ikaw pala yan” Gulat na bati ni Atlas sa dalaga “Sino pa nga ba! Kanina pa kita hinihintay ayaw ako paakyatin dito kasi wala daw ako appointment higpit niyo rin dito ah” Tila reklamo pa ni Angela. “Ano ba kasi ginagawa mo dito?”Takang tanong ni Atlas “Am I not welcome here? Ganyan mo ba batiin ang fiancée mo na matagal mo nang di nakikita?” Pabirong banat ni Angela “Angela stop that” Saway sa kanya ni Atlas “Tara sa office ko tayo mag-usap” Bigla nitong sabi bago pa may makakita sa kanila Pagdating nila sa office ay pinakuha niya ang secretarya niya ng maiinom nila at umupo sila sa sofa na nasa office ni Atlas. “Biglaan ata ang uwi mo dito?” Nagtatakang tanong ni Atlas “Mommy asked me to, hindi ko nga alam kung bakit eh pero may kutob ako its about the engagement.” Sagot ni

