Mabilis na dumaan ang mga araw at isang linggo na lang ay anniversary na ng hotel. Dahil sa sobrang busy ay nawala sa isip ni Kylie na bumili ng damit para dito. “Jane, Mitch!” Tawag ni Kylie sa dalawa “Yes?” Sagot naman ni Jane “May damit na kayo para next week? Samahan niyo naman ako oh, wala pa kasi ako eh” Hindi na nahiya si Kylie na magpasama, ayaw niya na naman abalahin pa si Atlas dahil alam niyang marami din ito ginagawa “Aba at himala nagyaya ang bruha! Sure tamang tama wala pa din ako damit eh, ikaw ba Mitch?” Tanong ni Jane sa katabi “Meron na ako, pero sure samahan ko kayo! The more opinions the better. So kelan tayo bibili?” Tanong ni Mitch “Kung pwede kayo ngayon eh? Tutal sabado naman bukas. Para pag wala tayo makita eh may bukas pa tayo” Suhestyon ni Kylie. Sumangayo

