Pagpasok sa loob ng restaurant ay agad naman sila na umorder. Habang naghihintay ng order si Kylie ay pinaglalaruan lang ang kutsara niya, habang wala pa rin nagsasalita sa kanilang tatlo “Bro, kamusta nga pala ang business niyo sa States?” Basag ni Atlas sa katahimikan sa pagitan nila “Ok na naman kaya nakauwi na ako ng maaga eh, kayo ba dito? Balita ko medyo busy daw kayo ah” Sagot ni Mikey sabay na tingin kay Kylie “Medyo, pero mas nakakaluwag na ngayon. Pero sigurado next month toxic na naman.” Sagot naman ni Atlas “Oo nga eh, pero ikaw pa kayang kaya mo yan” Biro ni Mikey Naputol ang usapan nila ng dumating ang order nila. Si Kylie hindi pa rin nagsasalita dahil naawkward siya sa sitwasyon niya ngayon. Technically wala naman sila ano man espesyal na relasyon ni Mikey, sinabi niy

