"Bye, Pursue!" kumaway siya dito. Lumingon ito sa kaniya at nakangiting kumaway pabalik. "Bye, Preggy friend!" Kitang-kita niya kung paano ito saglit na matigilan. Hindi talaga maikakaila ang kagandahan ng babae. Kahit siya ay humahanga sa kagandahan at kabaitan nito. It's been six months magmula noong una siyang makarating sa Isla Walang Pangalan. At masasabi niyang talaga namang madami na ang nagbago. Noong unang buwan niya ay walang humpay ang tahimik niyang pag-iyak sa gabi. Hindi din niya masyadong nakasama noon si Pursue, dahil isang buwan itong tumira sa Isla Buenavista, iyon ang isa sa mga karatig nilang isla na pagmamay-ari ng isang mayamang negosyante. Wala tuloy siyang masabihan noon ng problema dahil nahihiya siyang sabihin pa iyon kay Nanay Lita, ang nanay-nanayan ni Purs

