FIVE

2219 Words
Iritado pa din si Ide habang inaayos ang mga pinamili niya sa kitchen. Ang walanghiyang lalaking yon. Mas lalong nakadagdag sa pagkairita niya ang pangungulit ni Lawrence. Paulit ulit ito sa pagtatanong ng ‘So you'll still insist that nothing happened yesterday, huh.’ Kaya naman bago pa niya tuluyang maputol ang dila nito sa pang-aasar sa kaniya ay pinauwi na niya ito pagkatapos siyang maihatid pati ang mga pinamili niya. Nasa ganoong estado siya nang sunod sunod na katok ang nagpa-ingay sa kaniyang pintuan. Kumunot ang noo niya dahil sigurado siyang nakauwi na si Lawrence at mas lalong hindi iyon isa sa mga kapit bahay niya dahil wala naman siyang kapit bahay. At dahil wala namang peephole ang pintuan niya ay sa bintana niya sinilip kung sino ang nasa labas. Namilog ang mga mata niya nang makitang ang Jameson Ramirez na iyon ang nakatayo sa harap ng pintuan niya at walang habas iyong kinakatok. At paano naman kaya nalaman ng hudyong ito ang apartment niya? Hmp! Manigas ka dyan! Inayos niya ang hinawing kurtina at akmang babalik na sa kusina nang mas lumakas pa ang pagkatok nito. “I saw you on the window, Idelaide! Are you going to open the door or I will open it myself. Choose!” tumalim ang mga mata niya at nagma- marchang tinungo ang pinto. “Umalis ka na!” sigaw niya pabalik dito. Mabuti talaga at wala siyang kapitbahay, wala siyang mabubulahaw kahit magsisigaw siya doon. “So you are choosing the ‘I will open it myself’ huh,” inis niyang binuksan ang pinto ngunit maliit lamang ang puwang niyon. “Leave me alone,” ngumisi lamang sa kaniya ang binata at itinaas nito ang kamay kung saan hawak ang sling bag niya. Nag-isang linya ang kilay niya. Sinubukan niyang abutin ang sling bag ngunit agad iyon inilalayo ni Jameson. He gave her a loop sided smile bago umiling- iling, “Nah ah. Not until you open the door wide, honey. Oh, and your legs too.” Honey. There goes his endearment again. Hindi na lamang niya pinansin ang huling sinabi nito. She sighed in defeat. Niluwagan niya ang pinto, sapat lamang para makapasok ito. Mapang-asar pa itong tumango- tango sa kaniya bago pumasok sa apartment niya. Prente itong umupo sa sofa niya habang inililibot ang tingin sa buong apartment. She rolled her eyes. This man is really a handsome jerk. “Can I get my sling bag now, Mr. Ramirez?” may diin niyang sabi. Ngunit imbes na sagutin siya nito ay naghubad ito ng sapatos at niluwagan ang neck tie na suot na parang nasa sarili itong bahay. Hinubad din nito ang coat at basta na lamang iyon itinapon sa sofa niya. At tangay tangay ang sling bag niya, pumasok ito sa kusina at iniwan siyang nakatayo sa salas. Nag-isang linya ang kilay niya sa sobrang inis. Ang kapal talaga ng mukha ng walang hiyang ito. Nagma- marcha ang mga paa na sinundan niya ito sa kusina at naabutan na sinisimsim ang mga Yakult niya nang hindi man lamang iyon tinatanggal sa plastic. Inis niyang inagaw ang isang plastic ng Yakult dito. Naiwan pa ang maliit na straw sa bibig nito. “You're so mean, you know. Ganyan ba wine-welcome ang mga guest? Nasaan ang hospitality at pagiging mabait na Pilipino mo?” eksaherado nitong nilalakihan ang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa ginawa niya. “First of all--” “Then second, third, fourth, fifth--” “Shut up, you brute!” nagtataas baba na ang dibdib niya sa sobrang inis sa lalaking ito. Pero heto at tila tuwang tuwa pa itong makitang galit na galit na siya. His eyes are even dancing in amusement at idini-kuwatro pa nito ng mga binti. “Unang- una sa lahat, ikaw na hudyo ka, hindi ka welcome sa pamamahay ko! Pangalawa, wala akong alam sa hospitality na sinasabi mo! Ang alam ko lang ay totoong hospital dahil nurse ako! At panghuli! Panghuli-- Akina to!” inagaw niya ang sling bag dito at ipinaubaya naman ito ng binata. Parang fascinated itong panoorin siya. “Yes, I am mean! Masama ang ugali ko kaya pwede ba, lumayas ka na sa pamamahay ko, bago pa kita itulos diyan mismo sa kinauupuan mo!” Itinuro na niya ang pinto. But instead of leaving her apartment, Jameson just coolly shrugged his shoulders. “I don't actually mind kung itutulos mo ako sa kinauupuan ko ngayon. At least forever na akong nandito sa loob ng apartment mo,” then he playfully smiled at her. Naihilamos na lamang niya ang sariling palad sa mukha. Mauubusan lamang siya ng lakas kung makikipagtalo pa siya sa lalaking ito. Dahil alam niyang hindi naman siya nito seseryosohin. Tila natigilan siya nang ibang ‘seseryosohin’ ang naisip niya. Bakit parang masakit isipin na hindi ito seryoso sa kaniya kahit wala namang sila. Ano ba naman itong pumapasok sa isip ko! Ipinilig niya ang ulo para iwaksi iyon at iniligay ang sling bag niya sa loob ng kuwarto. Pagkatapos ay mabilis siyang bumalik sa kusina para ayusin ang mga pinamili niya. Pagbalik niya ay kinakain na ni Jameson ang isa sa mga mansanas na pinamili niya. Hindi na lamang niya iyon pinansin at nagpatuloy sa naudlot niyang ginagawa kanina pa. Bago siya guluhin ng damuhong lalaking kinakain na ang mga prutas na pinamili niya. “Ano bang kailangan mo sakin at paano mo nalaman ang bahay ko?” kapagkuwan ay tanong niya dito. “I’m sure na hindi ka nandito para lang ibalik ang sling bag ko,” direct to the point niyang sabi nang hindi tumitingin dito. Itinuon niya ang atensyon sa paglalagay ng mga noodles sa mataas na cabinet sa tapat ng sink. “Why do you have to be direct to the point? Hindi ka man pang ba masaya na makita ako?” napatingin siya dito. He is giving her a puppy look. She rolled her eyes at him. “Bat ako magiging masaya ay ginugulo mo lang ang pamamahay ko.” Tinalikuran niya ito at inabot muli ang cabinet. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang maramdaman ang presensiya nito sa likuran niya at ang mga kamay nito ay humawak sa bewang niya. She can feel her heart beating fast sa simpleng hawak na iyon ng binata. “I like you being so direct to the point,” bulong nito sa tenga niya. It sent millions of shiver to the core of her spine. Ang mga kamay nito at humahaplos pataas at pababa sa magkabila niyang bewang. “W-what are y-you doing to m-me,” she stuttered. She contained her moans by biting her lower lip. Hinahalikan nito ang tenga niya at napapapikit siya sa sensasyong nararamdaman. “I should be the one asking. What are you doing to me, Idelaide?” her name sound sexy from his lips. “Anong ibig mong--” Bago pa siya magkapagtanong ay sinansala na ng binata lahat nang iyon. Mabilis siyang iniharap nito at siniil ng halik ang labi niya. Namimilog ang mga mata niya, and she can clearly see how his eyes were shut tightly while kissing her. And when he nibbled her lower lip, napapikit din siya. A tingling sensation is stirring her up. It is coming from her insides at tila gustong makawala niyon. Kusang nagkunyapit ang mga braso niya sa leeg nito. “This is what you are doing to me,” anas nito sa pagitan ng mga halik. Mas idiniin pa nito ang sarili sa kaniya. And she can feel his manhood poking at her lower belly. “You are making me crazy. Something inside me is coming into life whenever you're around.” Her heart fluttered. Dahil sa kaalamang malakas pala ang epekto niya sa lalaking ito. It's boosting het confidence as a woman lalo na at hindi naman maikakaila na guwapo ang lalaki. At alam niya sa sariling malakas din ang epekto sa kaniya ng lalaki. May kung ano din sa loob niya ang nabubuhay kapag malapit sa kaniya si Jameson. Nagtama ang mga mata nila. May kislap ng pagnanasa sa mga mata nito at iba pang emosyon na hindi niya mapangalanan. At alam niyang ganoon din ang mga mata niya ngayon. Nasa ganoong posisyon sila nang mabasag iyon ng pag-iingay ng cellphone ni Jameson. Jameson grunted before getting his phone on his pocket. Bahagya itong lumayo sa kaniya, nakaramdam siya ng kaunting disappointment nang magkaroon ng kaunting espasyo ang mga katawan nila. She likes the feeling of his body pressed to hers. Bahagyang namilog ang mga mata niya sa naisip. Ano ba ang ginagawa sa kaniya ng lalaking ito? Napupuno na yata ng kahalayan ang isip niya. “Hello? Jameson the handsome, speaking,” muntik nang tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Sabagay, nagsasabi naman ito ng totoo. This man has sharp yet messy features. He has a proud nose and a thin red lips. An epitome of gorgeousness. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. “What happened to it?” tanong nito sa kausap. “I have a race this evening. Kailangan ko ang mga piyesa na iyon,” may diin na sabi nito. Habang siya ay mataman lamang na nakatingin dito. “No-- just continue on its maintenance. Wait for me, I’ll be there.” Ibinaba na nito ang tawag at bumaling sa kaniya. “I’m sorry, honey, nagkaroon ng problema sa talyer ko. I need to go there.” “Okay lang naman--” “Babalik agad ako pagkatapos ng karera ko. Good bye, hon,” mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi at lumabas ng kusina. Ilang minuto pa siyang napatitig sa nilabasan nitong pinto bago na-realize kung anong nangyari. Sinundan niya ito palabas ng kusina ngunit wala na ang lalaki sa buong kabahayan. Ambilis naman niya umalis. Napailing- iling na lamang siya nang dumako ang mga mata niya sa coat nitong nasa sofa. O, ayan, may dahilan ka na din para makipagkita sa kaniya. Tudyo sa kaniya ng isip niya. Ipinilig niya ang ulo para iwaksi iyon ngunit hindi naman masupil ang ngiti sa labi niya. Ewan ba niya at masaya siya sa isiping magkikita uli sila ng binata. Ngayon ay mas naku-curious siya kung ano ba ang trabaho nito. Parang gusto tuloy niya itong makitang nakikipag-karera kahit na nga ba hindi siya mahilig sa mga ganoon. She bet he look handsome in a car race. Kinuha niya ang coat nito at dinala iyon sa kuwarto niya. Mabango iyon at nanunuuot sa ilong niya ang panglalaking pabango doon. Kumuha siya ng hanger mula sa kabinet at hinanger ang coat. Umupo siya sa gilid ng kama at napatitig sa larawan nilang dalawa ng Ate Iyah niya. Siyam na taon lamang ang ate niya nang kunan ang litratong iyon habang siya ay mag- aanim na taon. Nawala ang ngiti niya. “Ate, my heart feels weird whenever I’m with that man,” kinakausap niya iyon na para bang sasagot ang larawan. “Is it okay? I don't know what to do now. Sana nandito ka.” Saglit siyang natahimik. “Pangako, ate. Hahanapin kita. Hindi ako susuko hanggang magkasama na uli tayo. Just hang in there.” She shut her eyes tightly para pigilan ang mga luhang nagbabadyang maka-alpas mula sa mga mata niya. 21 years ago, bigla na lamang nawala ang Ate Iyah niya sa hindi nila malamang kadahilanan. Nagpaalam ito na gagawa ito ng proyekto kasama ang mga kaibigan ngunit hindi na ito nakauwi. Halos mabaliw ang nanay niya kakahanap. Ipina-blatter nila ito sa lahat ng parte ng Batangas pati sa mga karatig na lalawigan. Ilang buwan nilang ginawa iyon, siya palagi ang kasa-kasama ng nanay niya at halos gamitin na nito ang lahat ng koneksiyon nito. Taon ang lumipas at wala pa din silang nahahanap na lead kung nasaan ang ate niya. Bumagsak din ang katawan ng mommy niya, naging malungkutin ito, nagkasakit, at sa huli ay na-diagnosed ng severe depression. Kauuwi lamang niya noon galing eskwelahan nang madatnan niya ang mommy niya na nakahandusay sa sahig. Dumudugo ang pulsuhan nito. Natulos siya noon sa kinatatayuan. Ang unang pumasok sa isip niya ay isa na siyang ulila. Mabuti at nandoon ang mga katulong nila at dinaluhan ang mama niya. Kaso nga lang, madami nang dugo ang nawala dito. Mula nang ilibing ang mommy niya, mga katulong na ang nag-alaga sa kaniya. Dahil wala naman siyang kakilalang kamag-anak. Mabuti na lamang at mabubuting tao din ang nasa paligid niya, mga taong natulungan din ng mommy at daddy niya noon. Ang lawyer ng pamilya nila ang nag- asikaso ng mga private resorts nila sa Batangas at ilang taniman habang hindi pa niya kaya. Minsan nga, sinabi niya sa lawyer nila na mag-iinvest siya sa ospital na pinagtratrabahuhan ngayon, pero sa laki ng pondong kulang sa ospital sa kinahaharap noong bankruptcy, hindi pa din sasapat ang investment niya at kalaunan ay masasayang lamang. Pero imbes na business management ang kuhaning kurso sa koleyiho, nursing pa din ang kinuha niya dahil iyon ang pangarap ng ate niya. At ngayong kaya na niya, panahon na din para i-handle niya ang business nila at mas asikasuhin ang paghahanap sa ate niya, ang nag-iisa niyang kamag-anak. Ate Iyah, wait for me. I'll find you as soon as I can. -------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD