“DO YOU still not over yet to that elevator girl?” Jax unbelievably asked Zev. “No, it’s not that, man,” tanggi naman niya habang naglalakad sila palabas ng airport. Pero ang totoo hindi rin naman talaga niya maintindihan ang sariling nararamdaman. “Eh, bakit bigla nag-aaya ka na namang uminom? Ni hindi pa nga nag-iinit ang mga paa natin dito sa Pilipinas, naghahanap ka na kaagad ng alak.” “Gusto ko lang naman na makapaglibang dahil simula bukas magiging busy na ‘ko sa ospital,” paliwanag naman ni Zev sa pinsan. “Isang linggo akong nawala kaya siguradong tambak na ngayon ang trabaho ko at idagdag mo pa ang mga pasyente.” “Okay, okay, fine, tawagan natin sila para sa Beer Garden na lang nila tayo puntahan,” taas kamay na wika nito. “Sigurado namang papayag ang mga ‘to,” wika nito tapos

