Chapter 03

1570 Words
“GOOD MORNING, Doc!” nakangiting bati kay Zevren ng isang nurse na nakatayo roon sa nurse station. Lumapit siya para tingnan ang mga records ng mga pasyente niya. Ilang araw kasi nilang sinamahan si Storm kaya halos hindi na siya nakakapag-stay sa ospital. “The lab results, please?” Paghingi niya rito ng records na kailangan niya. “Ito po, Doc,” sabi naman nito sabay abot sa kaniya ng mga lab records. Tiningnan at binasa niya iyon. “Nilagnat pa ba si Ferrer?” tanong niya rito na ang tinutukoy niya ay ang batang nasa Room 205 habang patuloy lang siya sa pagbabasa ng mga lab result para sa araw na ‘yon. “Hindi na po, Doc, almost 2 days na raw pong hindi nilalagnat saka tumataas na rin po ang platelet ng bata kaya po tinatanong ng Nanay kung pwede na raw ba silang ma-discharge bukas.” “Well, let’s see, pakuhaan mo pa ng platelet tomorrow at 6 AM kapag tumaas pa ang platelet niya ay bibigyan ko na sila ng clearance for discharge,” tugon naman niya. Dengue kasi ang naging sakit ng bata, kaya simple cases lang kumbaga at hindi na nila minamalaki dahil kung hindi naman magkakaroon ng complications ay hindi naman mahirap pagalingin. “Saka, Doc, si Amorsolo po sa Room 209, gusto raw po nila munang makahingi ng second opinion kaya gusto raw po sana nilang ilabas ang anak nila.” Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “Hindi pa ba sapat sa kanila ang opinion ng apat na doctor dito sa Juan Calixto?” naiiling na tanong niya. “But anyway, it’s their right, so, if they still need to hear more from the other doctor. Bibigyan ko sila ng discharge clearance.” “Sinabihan ko na rin naman po sila, Doc, pero talaga pong gusto muna nilang manghingi ng second opinion sa ibang ospital.” “Sige, akin na ‘yong discharge form nila at pipirmahan ko na, kung ayaw naman nila rito sa Juan Calixto, eh, wala tayong magagawa.” “Natatakot daw po kasi sila sa bayarin dito, Doc,” “Pero may charity ward tayo rito, sa charity ward wala naman silang kailangang bayaran, they all have to do is to trust our doctors and the procedures,” he calmly said but deep inside he was really disappointed. “Anyway, again it’s their choice.” Pagtapos niyang pirmahan ang discharge form ay tumunog naman ang cellphone niya. Hindi niya mapigilang mapailing ng makitang si Chase iyon. “What is it now?” sumasakit ang ulo na tanong niya rito. “Nag-aaya na naman uminom si Storm, eh!” bungad nito sa kaniya. “Ano na naman bang problema niya?” “Gusto raw kasi niyang lumuwas ng Maynila pero hindi niya magawa ngayon dahil nakatali siya sa trabaho. Alam mo naman ‘yong ganoon talaga ‘yon kapag nami-miss si Fay.” “Kayo na lang muna masyado pa akong maraming pasyente, kapag maaga akong natapos hahabol na lang ako sa inyo.” “Sige, sasabihan ko na lang siya. Sinabihan lang naman niya ako kasi hindi ka raw niya ma-contact.” “Okay. Tawagan niyo na lang ako kung saan man kayo makakarating,” paalam naman niya rito kaya pinatay na niya ang tawag. Hindi naging madali para kay Zev nang simulan niyang itayo ang ospital na ‘yon. Sandamakmak na paliwanag ang ginawa niya sa ama niya pero buong-buo na suporta naman ang nakuha niya sa Mama niya. Una pa lang kasi gusto na ng Papa niya na pumasok rin siya sa pagiging negosyante kaysa maging Doctor pero dahil na rin sa Mama niya kaya natupad niya ang pangarap niya. Pero ang ospital na ‘yon ay hindi niya sariling pag-aari dahil korporasyon din iyon. Nasa kaniya lang ang lahat ng authority and power dahil siya ang nakakaalam ng lahat na kailangang gawin sa ospital. Sabi ng mga naging kasabayan niya hindi naging mahirap sa kaniya ang pagtayo ng sarili niyang ospital dahil sa yaman ng pamilyang kinabibilangan niya pero isang malaking maling akala iyon. Hindi alam ng mga ito kung gaano naging kahirap para sa kaniya na patunayan sa ama na iyon talaga ang pangarap at gusto niya. All things seem well pero ika nga walang madali sa mundo. “MALIYAH, ano ba talagang plano mo?” kunot-noong tanong sa kaniya ni Axel. Fiancé ito ng ate niya pero ang hindi nito alam ay lihim niyang nililingkisan ang binata. “Wala, ano bang plano ko? Na kay Ate na uli ang Haute Couture, eh di, dakilang tambay na naman ako, at wala nang ibang magaling sa mata ni Dad kundi si Ate,” sarkastikong wika niya rito pagtapos ay dinampot niya ang wine na nasa ibabaw ng bar table nito at tinungga iyon. “Ang ibig kong sabihin, Maliyah, nandito na nga ang Ate mo kaya tigilan mo na ang pagpunta rito sa condo ko.” Inirapan lang niya ito. Wala naman kasi itong magawa dahil alam niya ang password ng condo nito. “Starting tomorrow, tigilan mo na ang pagpunta rito at papalitan ko na rin ang passcode ko para hindi ka na basta-basta nakakapasok rito.” “No! Ayoko! O baka gusto mong malaman ni Ate ang namamagitan sa ating dalawa?” pananakot niya rito at alam niyang effective dahil nakita niyang nagtangis ang mga bagang nito. It means natakot din ito sa banta niya. “Hindi natin pwedeng ipagpatuloy ‘yong ganitong gusto mo, Maliyah! Anytime pwede na tayong mahuli ng ate mo at ayokong maghinala siya. Tandaan mo next month lang ikakasal na kami.” Sa inis nito ay paikot-ikot itong lumalakad sa harapan niya. “Bakit ba kasi gusto mo pang ikasal, eh, nakukuha mo naman ang lahat ng kailangan mo sa ‘kin na halos 7 years ngang hindi naibigay sa ‘yo ni Ate. Could you imagine that ilang taon kang tigang tapos kung hindi pa dahil sa ‘kin hindi ka makakatikim ng séx. Kunwari ka pang ayaw mo pero kapag ginagapang kita, excited na excited ka nga.” “No’ng ginawa natin ‘yon wala ang Ate mo rito. At hindi niya ‘ko paghihinalaan pero ngayon nandito na siya sa tingin mo hindi makakahalata ang Ate mo?” “Kapatid niya ako at hindi ‘yon maghihinala sa ‘kin. Saka pwede ba maupo ka nga dahil nahihilo na ko sa kakasunod ng tingin sa ‘yo!” naiinis na bulyaw niya. “Hindi ko na talaga kaya, Maliyah, masisiraan ako ng bait kapag magkakasama tayong tatlo. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harapan ng Ate mo kapag nandiyan ka.” “Kung titigilan ba natin sa tingin mo babalik pa tayong dalawa sa dati?” taas-kilay na tanong niya rito. “Of course not! We are meant to be, Axel, kaya kung ako sa ‘yo huwag mo na ituloy ang pagpapakasal kay Ate Xena and better choose me, gusto ko piliin mo ako sa harapan niya,” nakangiting utos niya rito. “Nasisiraan ka na ba? Talaga bang gusto mong masaktan ang Ate mo? Saka mahal na mahal ko siya at ‘yong sa ating dalawa, isang malaking pagkakamali lang ‘to, eh, kaya nga dapat tigilan na natin!” usal nito sa tonong nakikiusap. “Oo, gusto kong makita kung paano siya masaktan. Alam mo ‘yon, sobrang perfect na kasi masyado ng buhay niya kaya nga siguro hindi ako naging mabuting kapatid sa kaniya, oh well, ang alam niya mabuti ako sa kaniya pero ang hindi niya alam na inaahas na pala kita,” tugon niya habang patuloy sa pag-inom ng wine na hawak niya. “Saka anong pagkakamali ba ang sinasabi mo, eh, ilang beses na nga nating ginagawa ‘yon. Sige nga, sa loob ng dalawang taon ilan?” hamon niya rito. “Oh, ‘di ba, ni hindi mo na nga mabilang sa sobrang daming beses na. ‘yong pagkakamali, isang beses lang ‘yon pero kapag inulit-ulit mo hindi na ‘yon pagkakamali, kasalanan na ‘yon!” Lumakad siya palapit dito habang hawak pa rin ang bote ng wine. Patuloy lang siya sa pag-inom habang ang isang kamay niya ay marahan niyang hinagod sa katawan nito at dahil sando saka boxer short lang ang suot nito ay alam niyang ramdam na ramdam nito ang paghagod niya sa katawan nito. Nakita niyang napalunok pa ito dahil sa ginawa niya. Lalo na ng itigil niya ang kamay sa pagkálalaki nito at hindi niya ‘yon tinigilan hangga’t hindi iyon nagigising at naninigas. “See that? Hindi sumasang-ayon ang katawan mo sa gusto mong mangyari.” Nakangiting wika niya habang patuloy pa rin siya sa panunukso rito. “Para akong drugs sa katawan mo na hindi mo kayang tigilan pa, Axel. You were already under my spell.” Marahas niyang ipinasok ang kamay sa suot nitong short at dinakot niya mula sa loob noon ang nanggagalit nitong ari. Tinaas-baba niya roon ang kamay niya at napakagat siya ng labi sa harapan nito para tuluyan itong maakit sa ginagawa niya. “Just tell me, if you want me to stop, dear,” malambing niyang sabi na halos paungol niyang ginawa. Hindi ito sumagot sa halip ay mariin pa itong napapikot na parang sarap na sarap sa ginagawa niya. Sisiguraduhin kong magiging akin ang lahat pero uunahin ko muna kung saan ka mababaliw, Ate Xena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD