HINDI namalayan ni Xena na nakatulog na siya kakahintay kay Zev, naalimpungatan lang siya dahil sa pangangalay ng leeg niya mula sa pagkakasandal niya sa swivel chair. Good thing naman dahil kahit paano ay nakagawa siya ng isang concept para sa competition. Hindi na rin siya pinuntahan pa ni Zev doon sa opisina mula nang nagkasagutan sila kaninang umaga kahit pa nga alas sais na raw nagsimula ang surgery nito. Nag-iinat siya nang mapatingin siya sa orasan, at doon niya nakitang mag-aalas nuebe na pala. Hindi pa rin kaya siya nakakalabas ng Operating Room? Hindi maiwasang tanong niya sa sarili. Nagpasya siyang lumabas na muna ng opisina para itanong sa mga nurse kung hindi pa ba tapos ang operasyon na ginagawa ni Zev. Hindi niya kasi alam kung gaano talaga katagal ang usual surgery nito

