Chapter 37

2011 Words

HINDI malaman ni Zev kung paano ilalabas ang inis niya kaya naman pagpasok na pagpasok pa lang niya ng silid niya ay kinuha niya agad ang cellphone niya para tawagan si Chase. “Yo!” bungad nito sa kaniya. “Sunday naman ngayon, ‘di ba?” “Oh, anong mayroon?” nagtatakang tanong naman nito. “Aayain ko sana kayo uminom, eh,” tugon naman niya. “Sige, saan ba? Diyan na lang tayo sa penthouse mo para maiba naman. Nakakasawa na rito sa akin, uubusin niyo na naman bagong stock kong alak dito, eh,” reklamo naman nito. “Hindi, huwag dito, diyan na lang sa suite mo. Pupunta na lang ako riyan, tawagan mo na lang sila. Minsan na lang naman tayong mag-inuman kaya huwag ka nang mag-reklamo,” wika naman niya sa pinsan bago patayin ang tawag na ‘yon saka siya mabilis na tumayo at kinuha ang susi ng sas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD