HUMUGOT nang malalim na hininga si Zev bago kunin ang kamay ni Xena, sa tanang buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng gano’n. Alam niyang nanlalamig ang mga kamay niya pero mas nangingibabaw sa kaniya na maisagawa niya ang plano niya. Kitang-kita niya sa mukha ni Xena na naguguluhan ito. “May sasabihin ka ba?” “Hindi ko lang kasi alam kung paano ako magsisimula kaya kinakalkula ko sa isip ko kung paano ko ba dapat sabihin,” simula naman niya at mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito. “This night I really wanted you to kno—” hindi niya nagawang tapusin ang gusto niyang sabihin dito dahil may isang bulto ng babae na umagaw sa atensyon niya. Halos isang taon niyang hindi ito nakita pero kilalang-kilala pa rin niya ito. Beatriz was now walking towards him, and it was not a dream. Sa

