PAGDATING nila Xena sa Davao, ay hindi na siya sumama sa team pabalik ng Maynila. Nagpaiwan siya sa Foundation at doon mag-iisip ng susunod na hakbang na gagawin niya. Tinawagan na lang niya ang kaibigan niyang si Gabbi para makahingi ng tulong rito. Baka kasi may kakilala ito roon sa Davao na pwede niyang pasukan ng trabaho. Dahil nga wala naman siyang nadala na kahit anong gamit niya ay hindi siya makakapag-apply ng maayos na trabaho dahil wala naman siyang requirements na dala. Lahat ‘yon ay naiwan niya sa bahay nila. “Hello, Gabb?” “Oh, kumusta? Sinubukan kitang kontakin sa loob ng isang buwan pero uncontactable ka, nag-aalala na ‘ko sa ‘yo,” bungad agad nito. “Well, I’m fine, totally walang signal kasi sa lugar na pinagdalhan sa amin, which is good din naman dahil nakatulong din

