HINDI pa rin alam ni Xena kung saan siya dadalhin ng sumundo sa kaniya pero hindi naman siya makaramdam ng kahit na anong pagtutol sa mga nangyayari. Nang tumigil ang sinasakyan nila ay inilibot niya ang tingin sa paligid nasa isang private plane port sila. Naunang bumaba ang driver at mabilis siyang pinagbuksan ng pinto. “Nandito na tayo, pwede ka nang bumaba,” wika nito kaya bumaba na siya. “Tara, dito ka susunod na sasakay,” aya nito sa kaniya sa isang private plane doon. “Sigurado ka ba rito?” hindi makapaniwalang tanong niya sa driver. “Yes, of course,” nakangiting wika nito. “He’s patiently waiting for you,” makahulugang dagdag pa nito. And it feels strange dahil kung titingnan ang lalaking kasama niya ay parang hindi naman ito totoong driver lang. Sa tangkad, kisig at tindig par

