“ANONG sabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Maliyah kay Axel. “Tinawagan ko ang ate mo at lalaki ‘yong sumagot, ang sabi niya boyfriend daw siya ni Xena,” umiiyak na kuwento nito habang patuloy lang sa pag-inom ng alak. Kasalukuyan silang nasa condo nito at wala naman sana siyang balak na puntahan ito pero dahil mapilit din naman ay pinagbigyan na niya saka gusto rin naman niyang uminom. “Sino raw ‘yon? Dapat inalam mo!” “At bakit ko pa aalamin? Nagawa ko na nga siyang lokohin tapos pakikialaman ko pa ‘yong pagkakataon niyang maging masaya,” punong-puno nang pagsisisi na sabi nito. “You’re so stupid talaga! ‘Yon nga ‘yong reason kaya dapat mong malaman, eh. Kung worth it ba ‘yong lalaking ipinalit sa ‘yo. Hahayaan na lang ba natin na maging masaya siya ulit.” “Ikaw ba, Maliyah, e

