NAKANGITING lumapit si Maliyah kay Rina, wala siyang ibang choice kundi ang ipagawa rito ang naiisip niya dahil ‘yon na lang ang tanging paraan niya para manalo sa competition at mapatunayan niya sa Ate niya na mas magaling siya rito. Wala na siyang pakialam sa sinasabi ng Mama niya dahil ayaw niyang mapahiya, ayaw niyang magkaroon ang Ate niya ng rason para ipamukha sa kaniya ang lahat. “Rina, come with me,” bulong niya rito pagtapos ay mabilis niya itong hinila sa isang gilid ng dressing room nila, doon kung saan alam niyang walang makakarinig sa plano niya. “Yes, Ms. Maliyah?” nakangiti namang tanong nito sa kaniya. “Okay, listen to me, Rina,” sersosong sabi niya sa dalagang model kaya naman sumeryoso na rin ito. Alam niyang nararamdaman nito ang tensyon na nararamdaman niya ngayon.

