[ Ang simula ]
Nagising ako sa sakit na nararamdaman ko sa kaliwang balikat ko kaya inunat ko ang aking kamay.
"Aray! mommy si ate sinuntok ako. huhuhu . Look it might get bruise. " pagrereklamo ng kapatid ko nang matamaan ata ng pag unat ko ng aking kamay.
"Alex?? God! you're awake!" sigaw ni Mommy sakin na para bang ang layo layo ko sa kanya.
**car crashes**
"Araaayyy !! Putang*na ang ulo ko! Bussseeettt!!" Sigaw ko sa sarili ko ng mauntog ako sa salamin ng kotse dahil sa mabato-bato ang dinadaan namin.
"Watch your mouth Alexandria !" Suway sakin ni Daddy ng lingunin nya ako bago bumaba ng kotse.
"Tsk! Ang sakit kaya! putanginang buhay kasi to oh!" bulong ko sa sarili ko pagkatapos ay bumaba din ng kotse.
Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid kaya mas lalo akong naistress sa nakikita ko! The hell? Anong maganda sa probinsya? Puro bundok, mga puno at mga kalabaw? Is this Life? Ngayon pa lang nagsisisi na ako kung bakit dito naisipang magbakasyon ng mga magulang ko. Sana pala sumama nalang ako kay Lola Mommy sa states! Urghh!! I wish Lola mommy was here!!
"Alex? What are you doin'? Let's go malapit na tayo!" tawag sa pangalan ko ni Mommy siguro maayos na ang kotse.
"Mom? Where are we nga? Ano pangalan ng place na to? " tanong ko kay mommy para may isagot naman ako sa mga classmates ko sa group chat namin.
"Papunta palang tayo sa Mandaon Honey! don't worry malapit na tayo. " sagot naman ni mommy na parang proud pa sa lugar na to!
I don't care ! Hindi naman ako magtatagal sa lugar na to eh! Last night when we are packing our things i call lola mommy para pigilan sila Mom at Dad na wag ituloy pag babakasyon nila but i was so disappointed ! Tsk! Bakit pa kasi naging Favorite child ni Lola si Daddy? IM SO BORREEEDDD!! and i dont know what to do.. hindi ko makuha ang mga gamit ko inside my bag dahil hinihigaan ng lecheng kapatid ko! buset!
"Hey? Panget kong kapatid wake up? " mahinay kong bulong sa kapatid ko habang sinusubukang tanggalin ang ulo nya sa taas ng gamit ko.
"How dare you? Alam naman natin na mas maganda ako sayo!" sagot naman nya ng itayo ang ulo nya at umupo paharap sakin.
"Oh really? How can i be the Famous Campus Queen kung hindi ako maganda? Staka anong maganda sayo? Yang malabo mong mata? hahahaha" Pang aasar ko sa panget ko'ng kapatid! I dont know why kung bakit pinanganak pa to eh! Tsk.
----
Hindi kayo nagkakamali ng pagkakabasa! totoo ang nakikita nyo!
I am Precious Maria Alexandria Katherine Bicua. aka Alex . Ako lang naman ang pinakamagandang President ng Supreme Student Council , ng isang pinaka-sikat na Maxine International School ng Pinas.
Actually, hindi naman sa nagiging exaggerated ako about my background pero ano ba magagawa nyo dugo at pawis ang itinaya ko para makamit lahat ng yan. Kaya deserve ko lang talaga mag yabang. So you losers? Wanna fight?
"Hello po Ang ganda nyo naman po. Artista po ba kayo?" nagulat ako bigla sa boses na narinig ko sa labas ng kotse.
Oh? nandito na ba kami at tumigil na naman sila?
"Hello po Ate pwede po pa picture?" sabat na naman ng etchoserang bulilit sa harap ko na pilit isinasaksak sakin ang nakakadiri nyang phone.
"Eww?? Are you out of your mind? Get the hell out of here!!" sigaw ko sa bata at binuksan ang pintuan ng kotse dahilan para masudsud sa semento ang bata.
Hell i care!
"Araayyyy!! Mama ? huhuhuhuhu!!! kuyyaaaa ?? " umiiyak na tumatakbo ang bata papalayo sakin.
"Ang sama mo talagaaa!!" sambit ng kapatid ko ng dumaan sakin na guyod guyod ang maleta at iba pa naming gamit , yan matuto ka slave! HAHAHA *evil grinnn**
"Alex go pick up your things and help your younger sister!" utos sakin ni Mama sa kabilang kanto kaharap ng bahay ata ng Nanay lola! Gosh! Parang Haunted house! Scary!!
"But Mom? my Leg hurts and i think hindi ako makakalakad! Wala pa tayong katulong dito?" sigaw ko pabalik kay Mommy na nagpapanggap na pagod!
"Hoy bat mo tinulak kapatid ko ha? " gigil na sigaw ng lalaki sa kabilang kanto .
"Husshhh!!! you shut up !!" sigaw ko naman pabalik . HAHAHAHAHAA
Napahawak ako sa sintido ko dahil sa init na dala ng mga nangyayare. Napapapikit ako ng mata habang lumalanghanap ng sariwang hangin. Ito lang ang maganda sa probinsya, ang may sariwang hangin. Hay nako!
"Huuyyy??"
Idinilat ko ang aking mata at naningkit habang tinititigan ang lalaking sumigaw sa harap ko. Wala itong damit pang itaas at puno ng pawis ang buong katawan. Hawak hawak nya sa kaliwang kamay ang bolang pang basketball habang hinihingal na nakatulala sakin.
"What? Why are you staring at?" pagtataray ko ng tanggalin ang shade na suot ko.
"Ah.. Ba-bakit mo tinulak ang kapatid ko Miss? Nasugatan tuloy.. " nahihiyang pakamot kamot sa batok ang lalaki habang ngumingisi.
Inikot ko ang mata ko at ibinalik ulit ang shades na suot ko. Nagsimula akong naglakad palayo sa kanya kaya natawa na naman sya.
"San ka pupunta? Ang laki ng sugat ng kapatid ko oh" sigaw nya
Hinawakan nya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Nahulog din ang hawak kung purse dala ng pagka gulat.
Sumigaw ako.
"What the hell do you want? You want money? Okay fine! Just let me go"
Bakas ang pagka gulat sa mukha nya kaya bago pa ako magpumiglas ay binitawan nya na agad ang pagkakahawak sakin.
"Hindi namin kailangan ang pera at hindi din kami humihingi ng awa galing sayo ang gusto ko lang malaman mo na hindi mababago ng pera mo ang sugat na ibinigay mo sa kapatid ko." seryusong diin nya sa bawat salitang binanggit sa harap ko.
Inayos ko ang pagkakatayo ko sabay tinaasan sya ng kilay.
" Ganon naman pala then go away... " sagot ko.
" Alam mo binibini, hindi bagay sa ganda mo ang kapangetan ng ugali mo. Papaalala ko lang sayo ha.. Mag ingat ka sa mga ginagawa mo baka yan pa ang ikakapahamak mo. " tugon nya sabay tumalikod sakin at naglakad papalayo.
" Tss.. So many weird and crazy people living in here. Ughh!! " sigaw ko.
-- Faaaasssstfoooooorwarddd--
Ilang weeks na din ang lumipas na puno ng pag titiis, puno ng stress at puno ng pagkukulong sa kwarto ko.
Potaaa ang hirap ng connection dito cysstt. 2020 na pero 5G pa din. Jusmeyo marimar.
Kahapon may mga binatang tumulong kila Mom at Dad mag hakot ng mga na harvest namin sa farm kaya naman sa kabaitan ng parents ko dito na din sila sa bahay kumain kasabay namin. Kahit sa maliit na oras ay nagkaroon ng ingay itong bahay puro pa bida kasi ang kapatid ko.
Ang mga gonggong naman manghang mangha sa manila akala mo naman hindi nakikita sa TV. Hayss
"Mano po Lola Nanay! Lalabas lang po ako , saan po pumunta sila Mommy ?" tanong ko kay lola ng makitang nasa balkonahe.
Nakatulala lang ito habang nakaupo sa rocking chair nya. Nag mu-muni muni ata.
"Kaawaan ka ng Dyos ija ! Nako ang Mommy mo hindi talaga nag bago " sagot nya naman habang nasa malayo ang tinggin!
Nagtaka ako sa sinabi nya.
" What do you mean hindi nagbago lola?" tanong ko at umupo na din sa tabi nya.
"Alex ija yang Mommy mo kasi simula pagka bata mahilig na yan tumambay don sa tabing dagat kasama ng mga kaibigan nyaa.. hanggang ngayon pag umuuwi sya. Hindi ko nga alam kung bakit kinahiligan na nila tumambay don ! " pag ku-kwento ni lola.
"Hindi ko po maintindihan Lola?" tanong ko sa kanya. Totoo naman kasi hindi ko talaga naintindihan.
"Hahaha . Ikaw talaga apo ! Darating ang panahon maiintindihan mo din ang Mommy mo. Kung bakit may mga bagay na hindi natin magawang kalimutan kahit ito'y matagal nang lumipas. May mga bagay talaga na mahirap iwanan dahil siguro para saatin parte na sila ng ating buhay, ng ating sarili. " sagot naman ni Lola Nanay.
Mas lalo ako naguluhan kaya sumakit ng ulo ko dahil hindi ko talaga naintindihan! Hayss!! ang mga matatanda talaga ngayon ang hirap nang intindihin.
"Lola Nanay? "
magtatanong pa sana ako kaso naisip ko wag nalang pala baka mas hindi ko pa maiintindihan ang isasagot nyaa..
"Ano yun Apo? gusto mo bang kumain ng manggang hilaw? May mga nabalatan na ako dun sa salas masarap yun, maasim nga lang. " Yaya sakin ni lola ng tinuturo ang mga nabalatang mangga sa taas ng mesa.
Sumulyap ako sa direksyon kung saan sya nakaturo.
"No, I mean thank you Lola. Dadalhin ko nalang po ang mga ito sa pupuntahan ko Lola. " Pagpapaalam ko kay Lola habang nilalagay sa isang foodbox ang mga mangga.
"Saan ka pupunta Apo? Nako!! antayin mo nalang umuwi ang manoy Aston mo para maipag drive ka! Mahirap gabihin sa daan alam mo pa yun? " pahabol bilin sakin ni Lola Nanay.
"No. Okay lang Lola magmo-motorbike nalang po ako. I can handle myself naman po eh. " magmamayabang ko .
Magpapaandar na sana ako ng motor ng bumaba si Lola Nanay at lumapit sakin.
"Wait ! you need to wear this! This will protect you from incanto and any other evil spirits!"
Nagtaka ako habang pinapasuot sakin ang isang bracelet na parang ang wierd? Ngayon lang ako nakakita ng ganto sa tanang buhay ko. Even sa baclaran wala nang ganto!!
"What kind of bracelet is this lola? Staka Lola? 2020 na po.. HAHAHAHA wala naman na po atang maligno diba?" natatawa kong sagot kay Lola.
"Shhh!! Wag mong sabihin yan Apo! Nandyan lang sila palagi. Nagbabantay! nakikinig! naghihintay ng tamang oras. Kaya mag ingat ka lagi. "
Natikom ang bibig ko na kanina ay nakangiti ng makaramdam ng kaba sa panlilisik ng mata ni Lola habang iniikot ang mga mata nya sa paligid. ANO MERON?
Ipinukos ko ang atensyon ko sa bracelet na isinuot nya.
"Nakoo Lola naman ehh! Hehehe tinatakot nyo na naman po ako. Simula pa nung bata ako lagi mo nalang yan sinasabi sakin wala pa ni isa akong nakikita! Hay nako Lola!! Alis na po ako. " pagbibiro ko para mabawasan ang kaba na nararamdaman ko
Na ningkit ang mata ni Lola dahil sa mga sinabi ko. Kaya naman ay nagmamadali ako pakatapos i-kiss sya.
"Byee Lola Nanay!! Uuwi po agad ako pag hindi ko nakita sila Mommy sa tabing dagat! hehe. Byeee!!" sigaw ko pa.
"Nakoo ikaw talagaaa!! Mag ingat ka haa.. Umuwi agad bago mag gabi."
Rinig kong sigaw nya ng makalabas nako gate sa namin.
Ang laki ng ngisi ko dahil sa tagumpay ang pag takas ko sa bahay. Nag stop muna ako saglit sa tabi ng kalsada para i open ang location app ko. Gusto ko talaga puntahan ang forbidden falls na yon para naman may pang status update ako.
"Uyyy yan na ba yung anak ng taga maynila. Ang ganda naman pala talaga."
Nilingon ko ang isang grupo ng mga Nanay sa isang kubo sa gilid malapit sakin. Pati pala dito uso ang Human-CCTV? HAHAHAHAHA
"Ang kinis talaga nya ng mukha mala artista. Iba talaga pag mga mayaman."
Napa smirk naman ako sa compliment na yon. Ninais ko muna ang manatili habang pinapakinggan ang mga pag aadmire nila sakin.
Yan praise me dear neighbors para naman may kwenta kayo. Hindi naman pala masama magkaroon ng mga chismosang kapit bahay eh. HAHAHA
" Ay ako. Pag nagka apo ako. Gagawin ko talaga lahat para pag aralin sya sa maynila para naman pag uwi nya dito kasing ganda din sya ng binibining yan no."
Ay? As if manang no? HAHAHAHAHA.
Namula ang pisnge ko sa patuloy na pagpupuri nila sakin.
Nag kunware pa ako na busy sa phone ko para mapakinggan lang sila. Subalit..
"Nako may nakapag sabi sakin na masama daw ugali nyan kaya nga hindi yan lumalabas ng bahay. Ngayon lang ata.!"
Ay wait.. WHAT??
"Ay ganon ba?"
"Sayang naman ang kagandahan nya kung ganon."
Umiinit ang ulo ko ng mag iba ang ihip ng hangin. Bakit parang kasalanan ko pa na pinakinggan sila. Kahit kailan talaga itong mga klasi ng taong to walang magandang ambag sa pinas.
"Oo aanhin mo nga naman talaga ang magandang mukha kung masama naman ugali." rinig kong gatong pa ng isa.
"Sigurado kang masama ugali nya? Di naman ata. Tingnan mo naman ang mala anghel na mukha nyaa.."
" Mala anghel lang mukha nyan pero sabi nila mas masama pa daw sa demonyo ugali nyan."
OH? TALAGAAA TEEHH? SIGURADOO KA?? Pigilan nyo ko.
"Huyy hinaan mo boses mo baka marinig tayo."
AY NGAYON NYO LANG TALAGA NAISIP YAN EH NOH. RINIG NA RINIG KO PO PATI NGA KABILANG KANTO RINIG MGA SINASABI NYO EH.
" Hayaan nyo marinig nya para naman malaman nya na masama sya.."
" Nagsisisi na ako sa mga pag pupuri ko aa kanya kanina. Masama pala ugali."
At ipinag patuloy pa nila ang hilig nila. GANON HA MASAMA PA PALA SA DEMONYO UGALI KO HA.
Magpapa andar na sana ako ng motor ko ngunit nang gigil talaga ako dun sa ' Anak daw ako ng demonyo' tapos ' siguro daw ampon lang ako.' ABA WAIT...
Bumaba ako at ipinatong ang helmet ko sa upuan ng motor ko. Nilingon ko sila at deretsong nag lakad papalapit sa kanila. MYGHAD why these bitches speaks so loud. Ni hindi man lang nila mapansin na papalapit na ako sa sobrang busy kaka chismis sakin ha.
"Nako palibhasa kasi ini spoiled yan nila Maria."
Dadamay nyo pa talaga sila Mommy ha.
" EHEM! EHEM!" malakas na pag peke ng ubo ko para makuha atensyon nila lahat.
" Uy huy.."
Batid ang pagka bigla nilang anim sa biglaang pag appear ko sa tapat nilang lahat. Inayos nila ang kanilang pagkakaupo staka ako hinarap. KAKAPAL DIN TALAGA NG AMOG EH NO?
Napailing ako sa sabay sabay na pag taas nila ng kilay sakin. Wow best friends..
"HI NEIGHBORS?" mariin kong bati sa kanila.
Nagtinginan sila sa isat isa bago ulit ako nilingon.
" HOPE YA ALL KNOW THAT I WHOLE HEARTEDLY APPRECIATE YOUR EFFORTS FOR MAKING ME FLATTERED A WHILE AGO. AND FOR TRYING YOUR BEST MAKING ME NOT HEAR IT. KASI ANG TOTOO NARINIG KO EVEN THOSE SLEPPING GUYS SA KABILANG BARANGAY COULD. AND FOR YA' ALL INFORMATION IM NOT AN ADOPTED CHILD REALLY. THANK- - - "
Tatalikod na sana ako ng may naalala ulit ako.
" NGA PALA KUNG ITONG MALA ANGHEL KUNG MUKHA AY SAYANG KUNG MAS MASAMA PA SA DEMONYO ANG UGALI KO.... PANO PA SAINYO DIBA? EH MUKHA PALANG PARANG DEMONYO NA TALAGA HAHAHA. SO WELL, EXCUSE ME. THANK YOU. " ngumisi ako bago tumalikod sa kanila.
Hindi na ako nag atubiling lingonin sila sa likod ko dahil wala naman akong naririnig na ingay sa kanila. Siguro ay nahirapan silang i sink in sa mga utak nila ang mga sinabi ko kanina. Balakayojan. SAMPALIN KO PA KAYO EH.
Ngumisi ako ng pagka laki laki hanggang sa makarating ako sa motorbike ko. Ngayon ko palang sila nilingon kaya mas lalo ako napa iling ng wala man lang ni isa sa kanila ang nag bago ng posisyon sa pagkakaupo kahit ang awra ng mga mukha nila ay ganon pa din. hahahaha na frozen bigla mga cysstss?
Humalakhak muna ako bago nag paandar ng engine ng kotorbike ko. Sinunod ko location guide para maka punta sa forbidden valley na nakita ko internet kanina.
Bahala naa.. Walang forbidden forbidden sakin.
Few minutes later...
"Aaahhhh!!!"
"Oh my ghad s**t!!" sigaw ko ng masimplang ako sa ma bato batong parti ng kalsada.
Napapikit ako sa takot kung saan ako titilapon. Omayghaaddd i dont wanna diee...
"s**t!! Uyy miss okay ka lang ba? May masakit ba sayo.."
Nakaramdam ako ng pagka manhid ng braso ko dahil sa naipit ako ng manubela ng motor ko. Idinilat ko ang mga mata ko dahil sa taong umalalay sakin bumangon.
"tha-thank you. Ugh! Sakit ng braso ko.." pag rereklamo ko.
Inalalayan nya ako hanggang sa makatayo ako ng tuwid buti naman di masyadong malala ang galos na natamo ko. Holyshit nasira ko ata ang motorbike!
"Bat ka ba kasi napadpad dito binibini?"
Naningkit ang mga mata ko sa tanong ng lalaki. What? Bakit ako nandito? Sya ba bakit sya nandito? Nandito sa gitna ng gubat ha??
"Alam mo bang bawal ang tao dito.. Delikado ka dito.. Halika na sumama ka sakin hahatid kita papunta sa kalsada.." inalalayan nya ako sabay hawak sa braso ko..
"Don't touch me!!" sigaw ko at humakbang kaunti para makalayo sa kanya.
Sino na naman tong pulibing to? Masyadong dugyot para hawakan ako. Inaamin ko na madungis ako ngayon dahil sa pagkakahulog ko sa putikan pero di naman kagaya nya dibaa..
"Binibini umalis na tayo bago mag gabi.. Delikado ka dito. Mukhang baguhan ka lang kaya sigurado ako ikaw ang pagti tripan ng mga nagmamasid sa paligid." seryusong pag babala nya.
Itinaas ko ang aking kilay sabay inilibit ang aking paningin sa paligid.. Nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo ko dahil sa lamig sa paligid.
Mag gagabi na kaya unti unti na ding dumidilim ang paligid. San na kaya ang flashlight? Ang phone ko my ghad..
Dinaanan ko ang lalaking dugyutin para lapitan ang naka tumbang motorbike ko.
"Binibini?" sigaw nya.
Ugh! Binibini binibini. PURO NALANG BINIBINI NARIRINIG KO SA MGA TAO DITO. walang alam na itatawag sakin?
Itinayo ko ang motorbike ko na puno ng putik sa gilid nito.. Tsk!
Saan na kaya ang bag ko boset na yon. Kailangan ko ng flashlight bago dumilim..
Pinaandar ko ang motor ko para magkaroon ako ng ilaw. Nag ikot ikot ako sa paligid para subukang hanapin ang bag ko..
"Binibini tayo na't umalis dito. Mag gagabi na.." lumapit sakin ng kaunti ang lalaki..
"Wait. Hinahanap ko pa ang bag ko... OH! Thanks goodness. Hay nako!"
Dinampot ko mula sa damuhan ang aking bag staka nilingon ang lalaking kanina pa ako kinukulit na umalis.
"So.. Show me the - - - tf? Where did he go?"
Nanlaki ang mata ko ng biglang lumaho ang lalaki na kanina lang ay kinukulit ako. SAN NA PUNTA YON?
"Ku-kuyaa? Ah-- he- hello???" sigaw ko.
Inikot ko ang aking ulo sa gilid ko maging sa aking likod. Nagtataka sa biglaang pag laho ng lalaki kanina.
Where the f**k did he really go?
Guardian angel o multo? HAHAHAHA
Gino ghost ako ah. Tanginaa ghosting pala gusto mangyare. Tsk! BALAKAYOJAN.
Unti unting lumalamig ang paligid. Kung kaganina ay malamig lang ngayon ay mas nakaramdam ako ng sobrang lamig na para bang napuno ng yelo ang paligid.
Napayakap ako sa sarili ko ng di ko na makayanan. Ibat ibang tunog ang narinig ko, dahilan para makaramdam ako ng takot. Nagmadali akong lumapit sa motor ko at umangkas para maka alis na sa lugar.
Potang inaaa ang tagal pa talagang umandar eh no...
(engine starts)
*krokrro.. Kowwcroww... *
Bumilis ang pag t***k ng dibdib ko dahil sa kakaibang tunog ang umaingawngaw sa paligid..
Mabilis kong itinawid ang gubat para makarating sa gitna ng kalsada ngunit ang kakaibang tunog ay parang sumusunod pa rin sakin.. Hindi ko alam kung saan ako patungo dahil basta basta lang ako nag drive.
"AAAAHHHHHH! NOOO.. GET THE HELL OFF ME.. HEELLPP!!"
"Alex? Alex? Ano bang sinisigaw sigaw mo dyan? Are you daydreaming or something?"
Naidilat ko ang mga mata ko para malaman ang taong yumuyugyog sakin. MOM? Wait whaatt??
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto ko. The hell in sitting in my bed with my Mommy by my side in a bright and sunny day?
Waiitt dibaa may yumakap sakin na kung ano kanina sa daan? Dibaa nasa kalsada ako nag momotor? Dibaa gabi na?? What the hell is happening??
"Alex? Tulala ka na naman?"
Nahinto ako sa pag iisip at pag tatanong sa sarili ko ng magsalita ulit si Mommy na abala sa pagtatanggal ang mga kurtina sa bintana ng kwarto ko..
"Mom? Where was you yesterday?" nagdadalawang isip ako.
Nilingon ako saglit ni Mommy bago ipinag patuloy ang ginagawa nya.
"Your Father and I went to the church together with your sister and Lola Nanay. Why?"
"Nothing.." sagot ko.
Ngunit hindi pa din ako na satisfied.
"Are you going to wash our clothes Mom?"
Naningkit ang mga mata ni Mommy habang tinititigan ako. Humakbang sya ng kunti tama lang para makaharap ko sya.
"No.. But Manang will. Today's, the first day of harvesting. So I'm gonna help your Dad in our farm... Is there something bothering you Honey??"
Nakaramdam ako ng kung ano sa sinabi ni Mommy kaya mas lalo akong napaisip. Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong ni Mommy dahil sa natulala ako bigla.
Binigyan nya ako ni kiss sa cheeks tapos ay binitbit ang kurtinang kanina ay kinuha nya sa bintana ko bago naglakad papunta sa pinto ng kwarto.
" Anyway, Alex honey.. Wag ka masyado mag kulong dito sa kwarto mo. Wag puro laptop ang inaatupag mo. Bumaba kana at mag breakfast okay. Tayo na dyan." bilin ni Mommy bago isinara ang pinto.
"Breakfast? Psh! Tapos ako na naman pag uusapan nyo? Ginagawa nyo akong almusal lagi. Balakayojan." bulong ko sa sarili ko.
Pagkatapos ay inikot ko ang aking katawan para humiga ng maayos.
Haayyssss...
Napapaisip pa rin ako. Bat parang familiar ang mga sinabi ni mommy kanina? Parang nangyare na ito na hindi ko masyado mawari. Parang kagaya ng nakaraan na hindi ko alam. Putaaaa!!
Deja' vu?? Ghosting?
Posible ba yon??
2020 na dzzuuuhh??
HAHAHAHAHAHAHAHA.