Alijah Park: At South Korea
Mapait akong napangiti bago pumasok ng departure. Nalulungkot akong mawalay kay Moon pero kailangan ko pang ayusin ang mga papeles ko at para na rin makausap ng masinsinan ang mga magulang ko.
Hindi ko lubos akalain na sa pagkakagawi ko sa probinsya ng Nueva-Vizcaya ay may isang Moon Del Mundo akong makikilala. Aaminin ko namang unang kita ko pa lang sa kanya ay nabihag niya agad ang puso ko. Kahit nakakatawa ang accent nito pag nag-i-english ay 'di ako makaramdam ng pagka-turn off dito. Napakagaan at napakasaya niyang kasama. Hindi siya 'yong tipo ng lalakeng nagpapa-impress lagi sayo o inaangat ang sariling bangko.
Napaka-natural niyang magsalita at kumilos. 'Yon nga lang sa sobrang pagka-clinggy nito sa lahat idagdag pang saksakan ng gwapo at appeal ay talaga namang pinagtitinginan din ng mga kababaihan.
At 'yon ang kinakatakot ko, sa dami ng umaaligid sa kanya ay paano na lang kung maagaw nila ito sa akin habang nasa malayo ako? Hindi ko yata kakayanin oras na maagaw pa nila sa akin ang Buwan ko.
Makalipas ang ilang oras sa ere ay nakarating na rin ako ng Korea. Napahinga na lang ako nang malalim at bagsak ang balikat na lumabas ng airport. Kaagad din naman akong sinalubong ng ilang bodyguards at ang driver na sundo ko.
Habang nasa byahe ay 'di ko mapigilang haplusin ang impis ko pang tyan. Hindi pa ako sigurado pero umaasa akong sa loob ng halos isang buwan naming pagsasama at araw-araw na pagniniig ni Moon ay sana, sana may nakatanim na itong punla sa sinapupunan ko. 'Yon na lang kasi ang panghahawakan ko para tuluyang maging akin ito.
Pagbungad ko pa lang ng mansion ay mag-asawang sampal na ang isinalubong sa akin ng galit na galit kong Ama! Halos mawalan pa ako ng balanse at umikot ang paningin ko sa lakas nang pagkakasampal nito sa akin! Para akong hinampas ng hallowblocks sa pisngi!
Kaagad din naman itong inawat ni Mommy at bahagyang inilayo sa akin. Puno ng galit ang mga mata nitong dinampot ang isang brown envelope sa center table nitong sala at inihagis sa mukha ko. Sumabog sa ere ang iba't-ibang pictures namin ni Moon ng magkasama, kuha sa resort na tinuluyan ko. Meron ding mga kuha na si Moon lang ang nasa picture habang nasa maliit niya itong bahay sa gilid lang ng highway. Merong nakahiga ito sa motor ng kanyang tricycle at iba pa.
Nanginginig ang mga tuhod kong napaluhod at isa-isang pinulot ang mga pictures sa sahig. Nanubig ang mga mata ko at nakaramdam ng kakaibang takot para kay Moon.
Siguradong pina-imbestigahan na siya ni Daddy, at baka malagay ito sa panganib ng dahil sa akin.
"Jasin-eul bunlyuhago da-eum jue yejeongdoen jaghon-eul junbihasibsio!"
( Ayusin mo ang sarili mo at humanda ka na sa engagement mo sa susunod na linggo! )
Bulyaw ni Daddy na ikinatigil at patak ng mga luha ko. Napaluhod ako at umiiyak na tumingala dito. Napailing-iling ako pero hindi ko makabakasan ng awa ito.
"Nan appaleul wonhaji ahn-a, daleun salamgwa gyeolhonhago sip-eo!"
( Ayo'ko Papa, may iba na akong gustong pakasalan! )
Pagsusumamo ko habang umiiyak na nakatingala at nakayakap sa baywang nito pero seryoso lang ito at lalo pang nagalit ang itsura! Binaklas din nito ang mga braso ko at muling nasampal ako kaya napaikot ako at napaupo sa sahig! Napahaplos ako sa pisngi kong namamanhid na sa makailang beses nitong pagsampal. Umiiyak naman si Mommy na kaagad akong dinaluhang makatayo.
"Gueligo dangsin-eun nuguleul jalangseuleobge saeng-gaghabnikka?! Geu bulssanghan pillipin salam!"
( At sinong ipinagmamalaki mo?! Ang hampaslupang pilipinong 'yon! )
Muling bulyaw nito na ikinailing-iling ko.
"Appa butaghaeyo."
(Papa nagmamakaawa ako. )
Pakikiusap ko pa pero dinuro lang ako nitong tila nagpipigil masaktan akong muli! Nagngingitngit din ang mga ngipin nito at puno ng galit ang mga matang nakatutok sa akin.
"Junbihaseyo, Alijah! Dangsin-eun geu manghal ttang-eul wihae taeeonaji ahn-assseubnida!"
( Umayos ka, Alijah! Hindi ka ipinanganak para sa hampaslupang 'yon! )
NAPAHAGULHOL na lang ako ng nag-walkout na si Daddy sa pinal nitong hayag. Kung alam ko lang na ipapakasal nila ako sa iba sa pagbalik ko ay minabuti ko na lang sanang sa Pilipinas na inayos ang visa ko at hindi na umuwi dito sa bansa. Hindi ako p'wedeng makasal sa iba! Baka nga buntis na ako sa panganay namin ni Moon. Hindi ako makakapayag na iba ang Amang makagisnan ng anak ko, lalong-lalo na ang makasal ako sa iba! Mas gugustuhin ko pang maghirap sa Pilipinas kasama si Moon kaysa ang mamuhay prinsesa dito at kontrolado ang galaw, at ipakasal sa taong hindi ko mahal!
Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko kahit gabi na at namumugto na ang mga mata ko. Nakakulong lang ako dito sa silid at yakap ang teddy bear kong iniisip na si Moon ito. Gustung-gusto ko nang bumalik sa bansa nito para makasama itong muli. Wala naman akong pakialam kahit isa lang siyang tricycle driver sa probinsya nila. Sa maikling panahong nakasama ko siya ay kita at ramdam kong mabuti ang puso nito. Siya ang gusto kong makasama sa hirap o ginhawa. Ang magiging Ama ng mga anak ko habang nabubuhay ako. Handa akong bumaba sa marangyang buhay na kinagisnan ko kung doon ko ito malayang makakasama. Nakahanda akong mamuhay ng simple para sa kanya.
Maya pa'y kumatok si Yaya at may dalang pagkain para sa akin. Hindi ako umimik at nanatili lang sa kama ko habang yakap ang human size teddy bear ko.
Maghahating-gabi na ng kumalam ang sikmura ko. Nang sumagi sa isip kong baka buntis na ako at nagugutom na si baby ay napabangon ako sa kama at kaagad kumain kahit wala akong gana. Hindi ako p'wedeng magpagutom para sa anak namin ni Moon. Ngayon ako mas kailangang pangalagaan ang katawan at health ko para malusog si baby na isisilang ko. Sa kaisipan pa lang na dala-dala ko na ang bunga ng pagmamahalan namin ni Moon ay kakaibang saya at excitement na ang nararamdaman ko.
LUMIPAS PA ANG mga araw na nagkukulong lang ako sa kwarto at pinapalamig ang ulo ni Daddy para maipaliwanag sa kanya ang side ko.
Nakapag-desisyon na akong ipaglalaban ang pagmamahalan namin ni Moon dahil nakumpirma ko nang mag-iisang buwan na akong nagdadalang-tao! Labis-labis ang tuwang nararamdaman ko na magkaka-anak na kami ni Moon! Kahit paano'y nagkaroon ako ng panibagong lakas at pag-asa sa pagkakabuo ng panganay namin sa sinapupunan ko.
Bumaba ako ng sala at naabutan si Daddy at Mommy na masayang nagkukuwentuhan sa sala habang nagti-tsaa.
Bukas na ang engagement na nakatakda sa akin kaya ngayon ko na dapat silang kausapin at kumbinsihin ng tungkol sa amin ni Moon.
"Appa! Eomma!"
( Papa, Mama! )
Bati ko sa mga ito at humalik sa kanilang pisngi. Nakangiti naman ang mga ito sa akin kaya lalo akong nabuhayan ng pag-asang makumbinsi ang mga ito.
"Naeil jaghonhal junbiga doesyeossseubnikka?"
( Nakahanda ka na ba para sa engagement mo bukas, hija?)
Masiglang saad ni Daddy. Naupo ako sa paanan ng mga ito at nagsusumamong tumingin sa kanila na ikinabago muli ng timpla ng mood ni Daddy. Marahas itong tumayo at nagpamewang sa harap ko.
"Nal hwanage hajima, Alijah!"
( H'wag mo akong ginagalit, Alijah! )
Singhal nito na nagpaluha sa akin.
"Appa, na imsinhaesggo munn-i appaya."
( Papa, buntis ako at si Moon ang Ama. )
Umiiyak kong pagtatapat na ikinaputla ng mga ito. Desperada na akong makahanap ng dahilan para hindi matuloy ang engagement ko sa iba.
Bakas sa mga mata nito ang magkahalong galit at disappoinment sa akin. Namumula na rin ang mga matang nanlilisik sa akin.
"Alijahneul seontaeghasibsio, agmong-ibnida geuleohji anh-eumyeon naleul ttaleusibsio."
( Mamili ka, Alijah. Ang hampaslupang 'yon, o sumunod ka sa akin. )
Nagpahid ako ng mukha at tumayo. Taas noo akong humarap dito at napailing.
"I'm sorry, Appa. But I will choose, the man I love. And that is Moon."
Buong tapang kong saad na ikinatagis ng panga nito at nag-aapoy muli sa galit ang anyo.
"If that's what you want then, you're free to go. But never come back again in this house. From now on, I just think that my daughter is already....dead."
Malamig nitong saad na nagpahina ng mga tuhod ko. Kaagad naman itong sinundan ni Mommy at inaalo kaya umakyat na ako ng silid at nag-impake ng mga gamit ko. Pagkababa ko ay naabutan ko sila sa sala habang patuloy pa rin itong inaalo ni Mommy. Nakayuko akong umiiyak ng bigla itong magsalita.
"Leave everything. You don't have the right anymore to use those things that I buy for you."
Natigilan ako at napalingon sa gawi nila. Mapait akong napangiti at marahang itinulak ang maleta ko. Maging ang cellphone, credit cards at atm ko ay inilapag ko sa maleta.
"Thank you, Appa. At least you gave my freedom. I just hope, that someday. You'll understand and find me, and my child. I love you both, Appa, Eomma."
Pamamaalam ko at patakbong lumabas ng mansion. Kaagad din akong nakasakay ng taxi at nagpahatid sa airport. Mabuti na lang at nakabili pa ako ng ticket pabalik ng Pinas kaya nakasakay ako kaagad.
Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nasa ere na ako. Sobrang excited na akong makita at makasamang muli si Moon at ipabalita sa kanyang buntis na ako! Sana lang ay matuwa ito katulad ko.
TANGING CASH at mga papeles ko lang ang dala ko pabalik ng Pilipinas. Wala rin ako ni isang gamit kaya napilitan pa akong ibenta ang gold necklace at bracelet kong regalo ng mga magulang ko para may extra pocket money akong bumalik ng probinsya ni Moon.
Habang palapit ako nang palapit dito ay siya namang paglakas ng kabog ng dibdib ko!
Wala pa itong ideya na ngayon ang balik ko at sa mga nangyari sa akin sa Korea. Sana lang ay matanggap pa rin ako nito kahit itinakwil na ako ng mga magulang ko.
Gabi na nang makarating ang bus na sinakyan ko pabalik ng Nueva-Vizcaya. Patakbo akong tumawid ng kalsada at halos lumukso sa tuwa ang puso ng makitang nakaparada sa gilid ng bahay nito ang tricycle nitong pinapasada. Nanginginig ang mga tuhod ko at nag-alpasan ang mga luha kong sa wakas ay mayayakap ko na ito. Na malaya ko na itong makakasama at bubuoin ang pamilya namin.
Kumatok ako sa playwood nitong pinto ng makailang beses bago ito nagbukas.
Napakusot-kusot pa ito sa kanyang mga matang halatang kagagaling lang sa pagkakahimbing.
Lalo akong naluha at mahigpit itong niyakap! Natigilan pa ito at kalauna'y ginantihan din nito ng mas mahigpit ang pagkakayakap ko.
"Mahal mo pa rin ba ako? Kahit itinakwil na ako ng mga magulang ko?"
Humihikbing tanong ko. Ngumiti naman ito at pinahid ang mga luha ko bago masuyong inangkin ang mga labi ko. Mahigpit din itong yumakap sa akin at marahang hinila ako papasok ng bahay nito. Napangiti akong napapikit at ninamnam ang kakaibang ligayang hatid ng mga labi nitong masuyo ng umaangkin sa mga labi ko.
"Mahal na mahal kita Parke. Hindi naman ang pagiging anak mayaman mo ang nagustuhan ko sayo, kundi ikaw mismo."
Napanguso naman akong tumitig dito habang napakalapad ng pagkakangiti nito sa akin.
"You're murdering my name. Alijah nga kase babe."
Natatawang saad ko na ikinatawa rin nito at muli akong niyakap ng napakahigpit.
"Anong nangyari? Itinakwil ka dahil sa akin, tama?"
Hindi ako makakaila sa diretsahang tanong nito habang matiim akong tinititigan kaya napalabi at tango ako. Napahinga naman ito ng malalim bago mariing humalik sa noo ko.
"Pero nandito ka, ibig ba'ng sabihin ay....pinili mo akong makasama, bebe?"
Nag-init ang mukha ko at napatango na lang dito na lalo niyang ikinangiti at paulit-ulit akong pinaghahalikan sa mga labi.
"May isa pang rason babe."
Aniko na lalong ikinaningning ng mga mata nitong nasasabik sa sasabihin ko.
"B-Buntis ako...."
Natulala ito at makailang beses kong tinapik sa pisngi bago natauhan at parang batang naglululukso sa tuwa! Nakahinga ako ng maluwag na masaya rin ito tulad ko na magkakaanak na kami!
Niyakap pa ako nito at makailang beses nagpaikot-ikot habang karga ako!
Lumuhod ito at pinaghahalikan ako sa tyan na naghatid sa puso ko ng ibayong tuwa at saya!
NAGING MASAYA ang pagsasama namin ni Moon. Sa bahay pa rin naman siya kumakain ng tanghalian at bumibili sa karinderya ng lutong ulam para 'di na ako magluluto. May bakery shop din sa tapat nitong bahay na siya namang pinagbibilhan nito ng agahan namin. Maaga rin itong umuuwi dahil wala akong kasama sa bahay. Napaka-maasikaso nito na ultimo paghuhugas ng mga plato ay tinutulungan ako. Kahit napakasimple ng pamumuhay namin ay wala na akong ibang mahihiling pa dahil para sa akin ay labis-labis na ang blessings na ipinagkaloob sa akin ng Diyos. Binigay niya sa akin ang isang matino, maasikaso, masayahin at mapagmahal na asawa. At ngayo'y may supling na kaming inaalagaan naming mag-asawa sa aking sinapupunan.
Mabilis lumipas ang mga araw hanggang sa naging linggo at buwan ito. Nasa kalagitnaan kami ng tulog nang maramdamang kong lumalakas na ang hangin at ulan dala ng bagyo! Natatakot akong baka bumigay ang bahay namin sa lakas ng bagyong nag-land fall dito sa probinsya.
Niyugyog ko ang asawa kong nahihimbing ng bigla akong makaramdam ng pamamanhid at kirot sa aking tiyan at baywang!
"Babe! babe, gising..."
"Mm..."
Ungol lang naman nito habang nahihimbing. Naalarma ako nang sunod-sunod na ang paghilab ng tyan ko lalo't napakalakas ng hangin at ulan sa labas! Muli ko itong pinagyuyogyog kaya naalimpungatan ito. Pupungas-pungas pa itong bumangon at nag-aalalang dinaluhan akong nakatuwid sa aming katre.
"Bebe bakit?! Sumasakit na?! Manganganak ka na ba?!"
Sunod-sunod nitong tanong na ikinatango ko. Napasabunot ito sa ulo dahil sa lakas ng bagyo ay saka naman lalabas ang anak namin.
Kaagad nitong binitbit ang backpack naming gamit namin ni baby at inalalayan akong sinuong ang masamang panahon!
Gamit ang tricycle nito'y kaagad din kaming nakarating ng hospital.
Panay ang hilab ng tyan kong senyales na lalabas na nga si baby!
Kaagad din naman nila kaming inasikaso at dinala ako sa Delivery room dahil nabasag na ang panubigan ko!
Ilang ire ko pa ang naghari sa loob ng delivery room bago tuluyang nailuwal ko ang anak namin!
"Congratulations Mrs! It's a healthy baby boy!"
Pagbati ng doktorang nagpaanak sa akin. Nakahinga ako nang maluwag at napangiti nang marinig ang unang iyak ng anak namin. Tumulo ang mga luha ko nang mabalot nila ito ng lampin at ipinatong sa dibdib ko.
Thanks God....
Piping usal ko at pinatakan ng mumunting halik sa ulo ang anak naming kaagad ding tumahan.
"Ano pong pangalan ni baby, Ma'am?"
Nakangiting tanong ng nurse na may hawak ng papel para sa information naming Mag-ina.
"Typhoon. .... Typhoon Del Mundo..."