Kandahingal sila ni Danilo nang tumigil sila sa kakatakbo nang matiyak nilang nakalayo na sila sa mga humahabol sa kanila. Halos lumawit ang dila nila sa sobrang pagod. Saka lang sila nagbitaw ng kamay. "Wala na ba?" usisa ni Nadielyn sa binata at sumandal sa isang puno. Madilim at madawag ang mga dinaanan nilang talahiban kaya hindi na niya alam kung nasaan na ba sila. Mabuti na lang at nakapajama siya kaya hindi nagkahalas ang mga binti niya sa mga matatalas na damong dinaanan nila. Luminga-linga ang binata bago napayuko at napahawak sa mga tuhod, habol din ang hininga. "Hindi ko na sila makita, naligaw na siguro ang mga ‘yon." "Sana nga! Ayoko ng tumakbo. Sino ba kasi ang mga ‘yon?" "Wala akong ideya." "Eh, pa

