GINA'S P.O.V Sabay kaming pumasok sa trabaho. Katulad ng mga nagdaang araw ay sundo't hatid niya ako. Lagi man kaming nagbabangayan ay pinapahalagahan niya pa rin ako. Ngunit masyado siyang malihim lalong-lalo na sa kanyang damdamin sa akin. Pagdating namin sa trabaho ay agad kong kinausap si Cristine. Gusto ko malaman kung anong nangyari sa makalipas na gabi. Hindi ko kasi alam kung bakit hindi naman nila ako hinanap nang mawala ako sa kanila. Ngunit pangiti-ngiti si Cristine na humarap sa akin. Bagay na lalo akong naguguluhan. "Anong ibig sabihin ng mga ngiti mo na iyan?" kunot noo kong tanong. "Ma'am, hindi ko alam na magaling ka rin pa lang lumandi," natatawa niyang tugon. "Ha?" Lalong kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Ano ba ang ginawa ko? Hindi ko man lang maalala ang

