GINA'S P.O.V Nang makalabas kami ng sinehan ay nagtataka ako sa babaeng gwardiya dito sa sinehan, panay ang tingin nito kay Jayden. Bigla niya kaming hinarang papalabas. "Sir ice cream ka ba?" tanong nito kay Jayden. "Huh?" "Sir sagutin mo lang 'yong tanong ko. Pick up line ko ito bago kayo lumabas ni Ma'am," aniya. Napangiti naman ako sa babaeng gwardiya. Hindi ko akalain na mayroon din palang mga tao na handang magbigay konting kasiyahan sa iba. "Okay, bakit?" tanong niJayden. "Kasi para kang cornetto na sumubsob sa marshmallow." Napatawa pa ng pagak ang babaeng gwardiya. "A-Anong ibig mong sabihin?" kunot noo na tanong ni Jayden. "Sir, saan po ba kayo nanggaling? Sumubsob ka yata sa popcorn eh! Bakit ang daming popcorn ang dumikit diyan sa buhok mo?" natatawang tanong ng b

