GINA'S P.O.V Nakipagtitigan ako sa kanya kahit binubundol ng kaba ang dibdib ko. Taas noo ko siyang hinarap sa kabila ng mga kalokohan ko ngayong araw. "Stand up!" seryoso niyang utos "Boss, bakit mo ako pinapatayo? Ano ito flag raising?" "Tatayo ka ba o hahablutin kita diyan!" mariin niyang utos. "Sige na nga boss, masyado ka namang high blood," patawa-tawa kong tugon. Kahit alam kong galit na ito sa akin ngunit ang hyper ko pa rin sa kalokohan. Imbes na manahimik ay lalong inaasar kahit kabado na. "I really don't know what to do. Ito na lang ang tanging bagay ang naisip kong paraan para patahimikin ka," seryoso nitong saad. Pagkasabi nito ay parang kidlat niya akong dinambahan ng halik. Sa gulat ko ay nanigas ang buo kong katawan. Napako rin ang aking paningin sa kanyang mukha ha

