GINA'S P.O.V Magsisimula na ang TV ads na gagawin ng mga kaibigan ko at kaming tatlo ay nasa harapan para tunghayan ang kanilang performance. Nakaupo ako sa mesa na nakalaan para sa amin. Napagitnaan namin ni Bilasa si Mr. Morales at si damuho hindi pa ito lumalabas ng kanyang opisina. Ang aliwalas ng mukha ni Bilasa at ang lapad ng ngiti nito. Aba! Ang saya-saya niya baka dahil doon sa bulaklak na binigay ko kaya abot taenga ang ngiti. Ang akala ko naging sweet si damuho dahil binigyan niya ako ng bulaklak 'yun naman pala ay kay Zuzuka pala nanggaling. Nagtitilian pa ang mga kaibigan ko sa pag-akalang nililigawan ako ni Mr. Morales. Sino naman ako para mag-assume sa kanya. Biglang tumayo si Bilasa at sinalubong si Mr. Morales na paparating. Pinagsalikop pa nito ang kanyang palad h

