GINA’S P.O.V Tahimik akong nakaupo habang hinihintay si damuho na lumabas sa banyo. Hindi nawala ang aking mga ngiti sa labi nang maalala si Bilasa at ang matandang humabol sa kanya. Napahagikhik ako sa naiisip at sabay bigla namang may nagsalita sa aking harapan. “Anong nginiti-ngiti mo diyan?” Bigla akong napatayo nang makita si damuho na nakapamaywang sa aking harapan. Hindi ko napansin na nakalabas na pala ito ng banyo at lumapit na pala sa akin. “Huh! Bakit masama bang ngumiti dito?” balik kong tanong sa kanya. “Ahm… Ms. Capinpin, don’t you forget that I’m your boss. Baka gusto mong halikan kita para tumino-tino ka,” turan nito habang titig na titig sa akin “Naku sir! Maayos naman ako at matinong kausap, ikaw lang itong masyadong sensitive,” tugon ko naman. “That’s enough! Nasa

