GINA'S P.O.V Pakurap-kurap akong inaalala kung may posibilidad ba kaya ang sinabi ni Cristine. Dahil sa sobrang abala ko sa trabaho ay hindi ko na alam kung kailan ang huli akong dinatnan. "Hoy, natulala ka diyan!" untag ni Cristine. "Tin, anong gagawin ko?" nalilito kong tanong. Hindi ko na alam ang gagawin lalo at nanlamig siya sa akin. Paano ko pa sasabihin sa kanya?" "Mag-pregnancy test ka nga para makakasiguro tayo. Saka na natin planuhin kong ano ang gagawin kapag alam na natin ang totoo," suhestiyon naman ni Cristine. Tama si Cristine, ito lang ang bagay na makakasiguro kami. Tinanguan ko si Cristine na nakangiwing nakatitig sa akin. "O' siya maiwan muna kita at ipagbili kita ng pregnancy kit. Tapusin mo iyang pagkain mo!" wika niya. Nakatulala lamang akong tiningnan siya

