Only Dahil sa nag-trending na issue sa akin, my parents forced me to go in public with Zeus to stop the stupid speculations of people. Hinahanda pa kasi ang party na gaganapin para opisyal akong ipakilala and they can't just let the people judge me. Kahit kasi nalinaw na kahit papaano at may nangyaring public apology, sadyang may mga naninira pa rin. They wouldn't shut up. Wala akong pake pero ang parents ko, they are bothered about it. Kaya napilitan ako lumabas kasama siya pero umuuwi rin ako agad. Though, he likes us to have a date pero ayaw ko. Hindi pwede at ayokong magkunwaring okay kami in public because we're not. Kapag may event din na pinupuntahan, hindi ako sumasama. I don't want to socialize with strangers. "So, cold pa rin ang ganap mo kay Zeus?" nakangiwi na tanong ni Nath

