Request My good mood was sucked out from me. Kung hindi ko pinilit ang sarili, baka tulala na lang ako buong araw sa kusina. Habang kumikilos ako ay ang dami kong naiisip kaya pahinto-hinto rin ako. Kaya nang matapos maghugas ng plato at maglinis ng kaunti ay nagkulong lang ako sa kwarto. Wala na akong ibang gusto mangyari kung 'di ay ang mag-usap kami. Things are confusing me. It makes my mind go heavier and heavier. Kung sakali, alam ko na hindi ko pa kaya magpatawad agad. Hindi 'yon gano'n kadali. But I want things to be cleared. Tungkol sa video, tungkol sa anak kuno nila, at tungkol sa pagsasama nila for the past five years na wala ako. Naiisip ko pa lang, masakit na. Nasasaktan ako dahil 'di ko mapigilan na ma-imagine iyon. Naiisip ko pa lang na marinig ko pa lang 'yon mula sa

