Everything He's cold. Sa mga lumipas na araw ay malamig pa rin siya sa akin. And it's fine. Pinipili ko na tanggapin 'yon. I don't want him to rush it. Gusto ko na mapatawad niya ako nang buo, hindi 'yong napilitan lang siya. So while he's cold, I am trying to make up to him. Lagi ko rin nakikita kung gaano siya ka-stress sa airline. Ang alam ko ay naka-leave siya sa Ambrosio para matutukan ang Royal Airline. Hindi lang galit ang mga tao lalo na ang pamilya ng mga biktima sa nangyaring aksidente. Nababawasan din ng customers dahil takot sila na maulit ang nangyari. Their trust for the airline dramatically decreased. And based on what I heard, some of the members of board of directors are forcing Zeus to step down from his position as the CEO. Sinisisi sa kaniya 'yon at hindi ko alam

