Isang malakas na sunod sunod na katok na abot yata hanggang sa itaas nang gusali ang nagpatulilig sa aking tainga, kasalukuyan pa naman akong nakikinig nang musika nang mga Sandaling iyon kaya't buysit na buysit akong tinungo ang pinto. "M-marco?" Nagulat ako nang pagbukas ko ay bumungad sa harap nang pintuan Nang condo ang lalaking ito. pumayat ito tapos nanlalim din ang kanyang mga mata. "P-paano mo ako nahanap dito?" Imbis na sumagot ay isang mahigpit na yakap ang ginawa nito saka humagulgol. "Sorry Grace.. I'm very very sorry..." Lumuhod ito sa aking harapan tapos ay hinawakan ang dalawa kong kamay saka tumingala sa akin habang patuloy na umiiyak. "Forgive me Grace.. Patawarin mo ako dahil sa pagtalikod ko sa responsiblidad sa inyo nang baby natin.. Naduwag ako, napangun

