DONDIE'S POV. pagbukas ko ng pintuan ay si Grace ang dumating. Ngunit hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin at tuloy tuloy na pumasok sa loob. "Saan ka galing?" Tanong ko. "Lumuwas." Tipid na sagot nito. "Saan ka nagpunta?" "Bakit ba ang dami mong tanong ha? Kailangan ko pa bang ipaalam sayo ang lahat ng pupuntahan ko?" Nagulat ako sa inasal niyang iyon, it was first time na pinagtaasan niya ako ng boses. "Hindi ko yata gusto ang tono ng boses mo Gara." Umiling lang siya at halatang walang balak magsalita ngunit maagap kong nahawakan ang braso nito. "Mag usap nga tayo." Seryosong sabi ko. "Pagod ako.., saka wala tayong dapat pag usapan." Pilit nyang tinatanggal ang kamay ko sa braso niya. " Pag sinabi kong mag usap tayo,. Mag uusap tayo." "We don't need to talk Dondie

