CHAPTER 29 GARA'S POV. Marami pa kaming napag usapan ni Kuya Dondie sa pagkikita namin na yon. Nakita ko kung gaano siya kasaya habang nag uusap kami, it felt na parang nanumbalik ang lahat sa aming dalawa noong wala pang something na nangyari sa amin. But I do admit na nakakaramdam pa rin ako nang pag aalangan at matinding tensiyon kapag aksidenteng magdadantay ang aming mga balat at magkasalubong ang aming paningin. It seems that there's a thousands of volts flowing on my body when I caught him looking at me.. Ngunit pilit kong iwinawaksi ang damdamin kong iyon as I've promised to myself na ayoko nang ikulong pa ang sarili ko sa kanya sapagkat may babae na itong mahal at iyon ay si Samantha. Laking pasasalamat ko rin na hindi namin napag usapan ang mainit na Sandaling nangyari sa amin

