Chapter 18 Doubts

1389 Words
Imperial Mansion Nakaupo sa kairus sa sala habang nakaharap sa tv. Inaabangan niya ang balita tungkol sa shooting na nangyari ng hinahabol sila ng mga di kilalang tao nanonood siya ng evening news habang may hawak na pop corn. Naguguhulan pa din siya sa mga nangyari at kung ano ang kinalaman ng daddy niya sa mga taong humahabol sa pamilya nila. Lumapit sa kanya si Moon at umupo sa tabi niya. " This is unusual for you" sabi niya bago kumuha ng pop corn. " Doing something is new is fun" sagot ni kairus kanya. " It there something bothering you?"tanong ni Moon ng makita ang expression sa mukha niya. " Wala naman bakit mo natanong ?"tanong ni Kairus pabalik. " You can't fool me. I know something really happened in this house" seryosong sabi ni Moon habang nakatingin sa tv. " Paano mo nasasabi yan?" tanong ni Kairus sabay subo ng popcorn. " Wala kahit na magtanong ako ng paulit ulit hindi mo naman sasabihin katulad ni Daddy lahat nalang tinatago niyo" sabi ni Moon bago umalis ng sala umakyat siya sa kwarto niya at nagkulong. Matagal na siyang nagmamasid sa mga nangyari but no one telling him the truth. Bumukas ang pinto at pumasok sina Star at Sun sa kwarto niya. " Anong ginagawa niyo dito?"tanong ni Moon sa dalawa bago bumangon ng kama. " Here sabi nila bagong bukas na restobar to puntahan natin" pabulong na sabi ni Sun habang pinapakita ang sinasabi niyang lugar. " How about you sasama ka?"tanong niya kay Star. " Oo hindi natin siya pwedeng hayaang umalis mag isa"sagot ni Star ng pabulong. " Alright, aalis tayo ng 12 :00 pm" nakangiting sabi ni Moon. " Kaya lang baka mahuli tayo nila Daddy at Kuya" sabi ni Star na may pag - aalinlangan. " Don't worry I will make sure na hindi tayo mahuhuli pero sa ngayon bumalik mo na kayo sa room niyo" Bumalik ang dalawa sa kani kanilang mga room. Pagpatak ng 9: 00 pm pumasok si Mr. Blue sa kwarto ni Sun para tingnan ang anak. Nang makita niya itong natutulog dumeretso siya sa kwarto ni Moon . Lastly ang huli niyang pinuntahan ang kwarto ni Star ginagawa niya yun gabi gabi bago matulog. Nang lumabas ang Daddy nila nagpadala si Star ng message sa dalawa. " Clear" Star message sent to Moon and Sun. Bumangon ang dalawa sa kama at nagbihis ng damit. Pagkalipas ng ilang minuto unang lumabas si Sun at pumasok sa kwarto ni Moon. " Ahhhhh" sigaw ni Sun dahil sa gulat. " Could you please zipper your mouth "saway ni Moon sa kanya pumasok na din si Star sa kwarto ni Moon. Pagkatapos magbihis ni Sun dahan dahan silang bumaba ng bahay at dumating sa secret passage sa ilalim ng mansion palabas. " It's been a while ng huli tayong dumaan dito"pabulong na sabi ni Sun. " You can shout all you can walang makakarinig sayo dito" sabi ni Moon habang naglalakad sila palabas. "Wala bang cctv camera dito?" tanong ni Star na nakatingin sa buong paligid. " Sa pagkakaalam ko wala pa si Daddy nilalalagay dito" sagot ni Sun nang makarating sila sa exist door dahan dahan silang lumabas. Ang huli nilang gagawin ay aakyat sa mataas na bakod ng mansion. " Kailangan nating akyatin yan" sabi ni Moon habang nakaturo sa bakod. " Seriously? sabay sabay na sabi ni Sun and Star. " Yeah, plano niyo tong dalawa dapat niyong panindigan"sabi ni Moon nagsimula siyang umakyat habang ang dalawa nasa baba at nakatingala sa kanya. " Bubuksan nalang natin ang gate"suggest ni Star " We can't do that baka mahuli tayo" sabi ni Sun sumunod sila kay Moon sa pag akyat kahit na hirap na hirap sila. Narating nila ang pinakatuktok ng bakod habang hiningal hingal nasa baba si Moon para alalayan silang tumalon. Unang tumalon si Sun at sumunod sa kanya si Star. " Yes success"sigaw ni Sun na sobrang tuwang tuwa. " Hindi ko akalain na ganito kasaya yun" sabi ni Sar habang tumatalon talon. " This is bad mukhang unti unti ng na siyang naiimpluwensiyahan ni Sun" bulong ni Moon. " Paano tayo pupunta sa lugar na yan?" tanong ni Star sa dalawa. "Let's grab a taxi pero ngayon maglalakad tayo papunta ng labasan" sagot ni Moon biglang napawi ang excitement sa mukha ng kakambal niya dahil medyo malayo ang labasan at mapapagod sila kapag maglalakad. " Sumunod kayo mayroon akong alam na shortcut" sabi ni Star bago naglakad papalapit sa gubat. Sumunod sa kanya ang dalawa. Gamit ang mga cellhone na ginawa nilang ilaw matagumpay silang nakarating sa labasan kung saan mayroong mga sasakyan na dumadaan. Nagpagpag muna sila ng damit bago naghanap ng taxi. " Kuya, alam mo ba kung saan to?"tanong ni Sun at pinakita ang picture ng restobar na pupuntahan nila. " Opo sir sumakay na kayo"sagot ng driver isa isa silang pumasok sa loob. Pagkalipas ng 20 minutes tumigil ang taxi sa harap ng isang restobar. " Ito na nga yun" sabi ni Sun bago lumabas ng taxi. " Magkano po kuya?"tanong ni Moon sa driver. " 300 pesos po sir"sagot ng driver binigay niya ang one thousand peso bill sa driver. " Sir mayroon po ba kayong small bills?" tanong ng driver dahil wala siyang sukli. " No, keep the change" sabi ni Moon bago bumaba ng taxi nasa harap na sila ng restobar at maraming tao ang pumapasok sa loob. Kinuha ni Moon ang cap sa loob ng bag niya at sinuot. Binigyan niya din ang dalawa para hindi sila makilala ng kung sino habang naglalakad papasok sa loob sinalubong sila ng mga tao na nagbibigay ng flyers sa labas. " Sun huwag kang gumawa ng gulo sa loob" paalala ni Moon bago sila pumasok. " Oo naman huwag kang mag aalala trust me" sagot naman ni Sun na nakaakbay sa balikat niya. Pumasok sila sa loob ng restobar maririnig ang maiingay na music at makikita ang mga taong nag iinoman sa paligid. " I hate this" bulong ni Star bago tumigil sa paglalakad. " Come on magugustuhan mo din dito" sabi ni Sun bago siya kinaladkad sa loob malawak ang paligid at mayroong banda na kumakanta sa stage. Naghanap sila ng lugar kung saan sila pwedeng umupo. " We can use VIP room if you want" suggest ni Moon na nakatingin sa mukha ni Star. " Ang boring kapag ganoon mas masaya dito" protesta ni Sun habang nakasimangot. " Sun hindi lahat ng gusto mo masusunod" " Okay lang dito nalang tayo" sabi ni Star bago sila umupo sa vacant seat. Lumapit ang isang gwapong waiter sa pwesto nila. Ngumiti ito habang hawak ang ballpen at maliit na papel. " Ano po ang order niyo sir?" tanong ng waiter sa kanila " Dalhin mo dito lahat ng product sample niyo and then we will choose kung ano ang iinumin namin" nakangiting sabi ni Sun " Alright sir, gusto niyo ng pulutan?"tanong ng waiter nagtinginan ang tatlo bago binalik ang tingin sa kanya. " Kung ano sa tingin mo ang masarap na pulutan " nakangiting sabi ni Star. Ngumiti din ang waiter ng makita ang reaksiyon nila basi sa nakita niya napabilang sila sa mga mayamang pamilya at ngayon lang nakapunta sa lugar na gaya nito. " Okay po, hintayin niyo nalang ang inorder niyo" sabi ng waiter bago umalis sa harap nila. " Sandali, ito ba nag unang araw ng pagbubukas niyo?" tanong ni moon tumigil siya sa paglalakad bago lumingon. " Yes sir" "Ako ang magbabayad sa lahat ng inorder ng pumupunta dito"seryosong saad ni Moon mas lalong na excite si Sun kaya tumakbo siya sa stage at inagaw ang mic sa singer na kasalukuyang kumakanta. " Good evening everyone gusto ko lang sabihin na mag order lang kayo ng kahit ano ang mabait kung kapatid ang magbabayad sa lahat" sigaw ni sun " Wohhhhhh" biglang nagsigawan ng mga tao sa loob. Itinaas ni star ang kamay ni Moon kaya napatingin sa kanila lahat ng tao. " Thank you, let's cheers"sigaw ng isang customer maraming lumapit at nagpasalamat sa kanila. Nang dumating ang alak kumuha agad si Sun at uminom bago tumakbo sa gitna at nakipagsayawan habang si Star napapangiwi sa bawat alak na natitikman niya. Si Moon naman prenteng nakaupo sa upuan niya at nagmamasid sa buong paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD