Mabilis dumaan ang oras at araw sa hotel. Matapos naming pumasyal sa Seoul Tower. Bumaba kami at kumain sa isang restaurant. Matapos naman noon. Dinayo na namin ang sikat na Cheonggyecheon stream sa Central Seoul. Maraming tao. Nakakahilo. Pero sulit dahil marami kaming litrato roon. Pwede na nga kaming bansagan na baliw eh dahil sa ingay at katuwaan naming tatlo. "Tama na nga!.. Nakakahiya kayo!.." natatawang saway ko sa pagkiliti nila sakin. Damn boys!. Mabuti naman at tumigil na sila. Pagod at gutom ang namutawi saming nang lumipas na gabi. Kinaumagahan rin. Sa Namsan tower kami pumasyal. Tapos bumaba at dumiretso sa Bukchon Hanok Village kung saan pwede mong isuot ang traditional na mga damit doon. Makikita mo rin dito ang kultura at arkitektura ng bansa. Mas lalo akong namangha at

