Chapter 40: False alarm

1189 Words
Nadatnan kong nakaupo sya sa malawak na kama. Suot rin ang pajama at jacket na kulay asul. Bulaklakin ito. "Kumain ka na?.." tanong nito sakin. Bahagyang umatras para paupuin ako sa tabi nya hindi naman na kailangan dahil masyadong malaki ang higaan. "Hindi ako gutom Pasensya ka na. Di kita nasamahang kumain sa baba kanina.." "Hehe.. ayos lang. Ang sabi ni tita sakin, may araw daw na hindi ka kumakain. Baka isa itong araw na yun." kinukuotkot nito ang kanyang sugat. Hilaw akong ngumiti sa kawalan. Totoo naman yung sinabi ni Mama, pero ang dating nito sakin para akong naguilty bigla. s**t!. "Matutulog ka na ba?.." "Hindi pa ako inaantok.. ikaw ba?.." "Hindi rin.." umurong ako upang maabot ang headboard ng higaan. Dun ako sumandal. Kinuha ang isang unan sa likod ko saka niyakap. "Nga pala, pano mo naging pinsan si Denise?.." bahagya itong natigilan. Noon ko lang rin napagtanto na lumabas na pala saking bibig ang kanina ko pa iniisip. Damn Bamby!.. Nag-unat ang katahimikan sa aming pagitan. Damn!.. ano bang nasa isip mo kasi Bamby?.. "Ang Daddy nya at ang Mama ko ay magkapatid.." Nakahinga lamang ako ng maluwag ng ibuka na nito ang kanyang bibig para magsalita. "Hindi ko alam na matagal na palang niloloko ni Papa si Mama." bigla nyang kwento. Napaayos ako ng upo sa sandalan. "Nalaman lang namin na totoo na pala yung mga tsismis tungkol sa kanya ng tumawag ang kanyang babae kay Mama na buntis na raw ito." nagsimula na nitong punasan ang mga luha sa kanyang mukha. Nakatalikod kasi sya sakin. Kaya tanging kamay lang nya ang nagsasabing umiiyak na ito. "Gustong gusto kong sabihin sa'yo ang lahat noon pero ayaw kitang idamay sa problema ko. Kaya itinago ko sa'yo." "Pero bakit?. Kaibigan mo ako Joyce. Magkaibigan tayo?.." "Kaya nga hindi ko na sinabi sa'yo dahil kaibigan kita at ayaokong problemahin mo rin ang problema ko.." "Ano ka ba?.. Anu pang saysay ng pagkakaibigan natin kung hindi tayo magtutulungan?.." humagulgol na sya. Dahilan para yakapin ko sya ng patalikod. "Tahan na. Wag kang mag-aalala. Dito ka na muna habang hindi pa naaayos ang lahat.." niyakap nya rin ako ng mahigpit. Hanggang sa nakatulugan na namin ang magkayakap. Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na tumatama na saking binti. Unti until kong iminulat ang aking mata. Mag-isa na ako sa kama..My goodness!!!. Late na ako!.. Sapo ang ulo habang lumalabas ng kwarto. Tinatawag si Kuya Lance. "Kuya?!!!.." Hindi malaman kung kakatok ba ako sa kanyang silid o papasok nalang bigla. Nilingon ko ang relong nakasabit sa itaas ng maliit na halaman. Sa gilid ng pagitan ng guest room at kwarto ni Kuya Mark. It's already 8:56 am.. Oh my God Bamby Eugenio!!. You are too late now!.. What are your plans?.. Damn!!.. "Mama!!.." sigaw ko. Pero hindi ang tinawag ko ang lumabas saking harapan kundi si Kuya Lance na nakasuot ng jogging pants, sando at sapatos. Pawisan ito. "Bamby ang aga sumisigaw ka?. Anong nangyari sa'yo?.." sabay punas ng kanyang leeg at noo. Suskupo!.. "Bat di mo ako ginising?. Late na ako..." naiiyak kong sambit.. Hindi sya nagsalita. Mataman nya lang akong tinitigan habang abala sa pagpupunas. "Bakit?. may lakad ka ba ngayon?.." pagtataka nya. Saka ko lang narealize na hindi sya nakauniporme. What the f""k!.. Nananaginip na naman ba ako?. Bwiset!.. "Bamby?.." tawag pansin nya sakin. Bumalik sa reyalidad ang aking isip. Umiling nalang ako. Nahihiya sa kapalpakan. "Akala mo ba may pasok?. Hahahahaha... sabado ngayon Bamblebie.. Ang bilis mo naman makalimot. Hindi ka ba nakatulog kagabi?.. hahaha.. sayang naman, sabado ngayon. Di mo masusulyapan yung crush mo.. ahahahaha.." tumawa ito ng tumawa.. Abnoy!.. Masama ang naging timpla ng mukha kong iniwan sya. Ba'la sya dyan. Bawal na ngang makausap e. Ni masilayan, Wala pa ngayon. Malas talaga. Bumaba akong busangot ang mukha. Bwiset!.. Bakit ko nga ba nakalimutang sabado pala ngayon?.. Kakaisip ko sa sulat kagabi, nakaligtaan ko kung anong araw ngayon. Suskupo!.. Dumaan akong sala na malinis na. Maayos ang mga unan na dating magulo tuwing umaga, pagkababa ko palang. Nga pala. today is Saturday. And the rule of our house is mandatory general cleaning. Lahat ng parte, sala, kusina. Lahat ng kwarto, library ni Papa. Yung deck. Sa garden, sa parking. Lahat ng sulok dapat malinis at maayos. Walang bahid ng kahit anong alikabok o basura. "Good morning.." bumungad sakin si Joyce na abalang naghuhugas ng mga pinggan sa sink. My goodness!. Nakakahiya.. "Joyce?.My goodness!. Bakit ikaw gumagawa nyan?.. si Mama?.." "Hehe..ayos lang to. Sanay naman ako sa mga gawaing bahay samin.. Si tita pala, lumabas. Ang sabi maggrogrocery lang daw sya. Balik din daw agad bago magtanghalian.." Tinulungan ko na syang magbanlaw ng mga kutsara at tinidor. Habang nagsasabon sya, ako naman ang tagabanlaw. "Hinayaan mo na lang sana dyan.. suskupo Joyce.." "Anu ka ba?.. Nakakahiya naman kung uupo nalang ako dito tapos maghihintay lang ng pagkain..ng walang ginagawa man lang.." "Kahit na.." pilit ko saking prinsipyo. Pero iba naman yung kanya. "Sanay ako sa bahay at nasanay naman ako sa bahay nila Demise.. Kaya okay lang to. Wala namang magawa kaya mas mabuting tumulong nalang ako." "Sige na nga. hahaha.." tawa ko. Naawa naman ako bigla sa kanya. Naghiwalay parents nya tapos ganun pa nangyari sakanya. Ngayon ko lang narealize na sobrang swerte ko pala talaga. Meron akong mga bagay na wala sa iba. Kumpleto at masayang pamilya. May bahay at kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Malaking pasalamat ko dun. "Ma!.." umalingawngaw ang boses ni Kuya Lance. Nang walang marinig na sagot ni Mama, pumasok ito ng kusina. Nagpupunas na kami ng pinggan. "Si Mama?.." tanong nya sakin habang binubuksan ang ref sa gilid ko. "Pumunta raw naggrocery.." "Anong oras raw uuwi?.." Anya. Hawak na ang tatlong bote ng Gatorade tapos binuksan ang isa saka nilagok. "Bago raw magtanghalian.. Bakit saan ka pupunta?.." nakashorts kasi ito, suot pa ang sapatos na itim. Tsaka sando. "Basketball sana.. " Sumigla ako ng marinig ang sinabi nya. "Pwedeng sumama?.." "Hindi pwede.." "Sige na kuya.. Manonood lang naman kami.." sinundan ko sya hanggang sa garahe ng sasakyan. Nilagay nito ang mga gamit sa likod ng sasakyan bago ako hinarap. "Sinong papanoorin mo dun?.." nakapamaywang na sya. "Sino pa ba?.. Malamang ikaw. Kuya naman.. please. Sige na. Boring dito.." Maraming buntong hininga muna ang pinakawalan nya bago tumango. "Pero, walang aalis sa tabi ko. Malinaw?.." agap nyang sabi. Lumaki ang ngiti saking labi "Opo.." kulang nalang tumalon ako sa tuwa. Yes!.. Makikita ko sya mamaya.. Suskupo Bamby!.. Calm down!. Baka magbago pa isip nya. "Magpalit ka na. Pakibilisan." tinakbo ko na agad ang pagitan ng garahe at ng aking silid. Dinig ko pang sumigaw ito ng. "Wag ang damit na sexy Bamby!!.." I know!.. Di ko na sinabi pa ang nasa aking isip. Pero bago ako tuluyang nagpalit. "Joyce, sama tayo kay Kuya Lance.. Palit ka na. Dali.." Hinalughog ko ang pajamang itim at puting damit. Saka inipit ang magulong buhok. Nagwisik ng kaunting pabango saka tuluyang lumabas. Agad kaming sumakay sa sasakyang umaandar na. Sa harap ako tas sa likod naman si Joyce. "Sinong kasama mong magbasket Kuya?.." tanong ko ng nakalabas na kami ng subdi. "Ang tropa.. Kasama si Jaden. Kaya dapat sa tabi lang kita Bamby.." "Kuya naman. Paano ka maglalaro kung lagi mo akong katabi?.." biro ko pero sineryoso nya ng matinde. Bakla talaga!.. "Kaya ka ba sumama para makita sya?.." "Hindi. Hindi no..." walang hiya. Nautal pa ako. "Hindi mo ako maloloko little Bamblebie.. makita ko lang na lapitan ka nya. Basag mukha nya.." Damn!.. Suskupo!..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD