Dalawang araw pa akong tumira sa ospital bago tuluyang pinayagan ng doktor na umuwi na. Niresetahan ako ng mga gamot. Si Papa ang lumabas para bumili. Sina kuya Mark at ate Cindy naman ang nag-asikaso ng bill ko. Naiwan si mama at kuya Lance para alalayan ako. Si Jaden, nagpadala ng mensahe na di na raw nya ako maihahatid pa sa amin dahil iniwan daw sa kanya si Klein at Niko. Naintindin ko naman yun. I replied him that. Ayos na sakin na pinaalam nya kung anong dahilan nya para di na ako mag-isip pa. Ayokong maging baliw sa mga bagay na wala namang basehan. "You ready, Bamblebie?..." tanong sakin ni kuya. Nakatalikod sya sa akin. Inaayos nito ang mga gamit na nasa mesa. Inilalagay sa isang kahon. "Ready.. namiss ko na ang bahay.." Tumawa sya. Tinapos ang paglalagay bago humarap sakin. "

