Chapter 96: Sudden date

1362 Words
"Bamby, did Dilan called you?." si Lance ito. Tinanong ang kapatid na nasa kanyang tabi. Ako ang nakaupo sa likod. Nakikinig lang sa usapan nila. Nakikisabat kapag kailangan. Pinayagan nila kaming gumala pero hanggang hapon lang. Uwi na kapag alas sais na ng gabi. Gustong sumama ni Niko pero hindi pinayagan ni Papa. Kaya wala na naman syang nagawa kundi magmukmok sa gilid. "Nope.. why?.." iritadong sinagot nito ang kapatid. Umayos ako ng upo. Sabay hagod na rin ng buhok. Di mawala kaba ko e. "Tumawag sya kanina. Uuwi raw dito sa Pinas. He wants to visit you here.." Nilingon nito ang kapatid na nasa kalsada lang din ang mata. Di sya matignan ng diretso. "Bakit daw?. Anong gagawin nya rito?.." Sa labas ko nalang ibinaling ang tingin ng magtama ang mata namin sa salamin na nasa harapan. Kagat ang labing pinapanood ang mga taong naglalakad. "He wants to talk to you. You know. He wants you two. Back together.." pumikit ako at mariing lumunok. Dilan? Di ba sya yung kinausap minsan ni Lance sa cellphone?. Kasama nya si Bamby sa graduation ball nila noon?.. Boyfriend nya?. Bat back together daw?. Natahimik silang dalawa. Wala rin naman akong sasabihin kaya itinikom ko nalang ang aking bibig. "Sabihin mo. wag na syang mag-aksayang pumunta pa rito. What's done was done.. periodt.." "Too late lil sis. Baka bukas nasa airport na sya.." "What!!?." bulyaw nito sa kapatid. Hindi na ako makahinga. Tama bang sumama ako sa kanila?. Awkward men!. "Don't get mad at me. Pinagbawalan ko na ngang pumunta dito e. Nagpumilit pa rin.." "Bakit ngayon mo lang to sinabi?. Goodness kuya?.. I hate him you know that.." Itinaas ni Lance ang mga kamay ng ilang segundo. Sinasabing wala na syang magawa pa para doon. Umayos sya ng upo at naghalukipkip. Kita ko ang lahat ng galaw nya dahil diretso na sa daan ang mata ko. Hindi iniinda ang usapan nila. "Ayoko ko syang makita. I hate him!.." patuloy nyang histerya. "You hate him now but you lov--.." "Kuya!??." mabilis nitong pigil sa nakakatandang kapatid. Napatalon pa ako dahil sa lakas ng kanyang tili. Ayokong isipin na may relasyon sila. Ngunit hindi na nya kailangan pang sabihin dahil halata na sa mga galaw at sinasabi nya at ng kapatid nya na nagkaroon nga sila ng relasyon ng Dilan na yun. "Anong plano mo ngayon?. Di ka titigilan nun. Obsess sa'yo yun eh.." "I don't know.." nanghihina nyang sagot. Nakita kong tinignan ako ni Lance sa salamin. Bago ibinalik sa daan ang mata. "What about him?.." "Whose him?.. ugh!. Kuya naman. Kinakabahan na nga ako eh.." "Jaden.." nagitla akong sa narinig. Did Lance called me?. Hay!. Susmaryosep Jaden!. Gising ka pa ba?.. Nilingon nila ako ng sabay pero agad naunang inalis ni Bamby ang singkitan nitong mata. "Ano si Jaden?.." mahina ngunit dinig na dinig ko. Wala sa sarili na naman akong lumunok. Bumuga ng hangin at nagkamot ng batok. "Make him as your new boyfriend.." suhestyon ni Lance na nagpatigil saking huminga ng ilang segundo. Susmaryosep!. Anong sabi nya?. Di ko narinig ng malinaw e. Pakiulit bruh. "It's your only way to escape that brat lil sis. Now, you choose?. Him or Jaden?.." nananaginip ba ako o totoo to?. "Don't make me choose kuya.. You already knew what's on my mind and heart.." "Hahahaha.. still him huh?.. he's so lucky. hmm. he is.. you still love him until then?.. tsk. tsk.. I know that.. of course.." tatango tango si Lance habang sinasabi ito. Mas lalo pa nya akong tinignan ng makaparada na sya ng tuluyan sa parking ng mall. Panay lunok lang din ang tangi kong nagawa sa mga oras na yun. Di alam ang isasagot sa binabalak nila. Ano ba tong topic nila. Nakakabaliw mag-isip. Hindi ako makasabay. Ang tanging alam ko lang ay ang suhestyon ni Lance na maging boyfriend nya ako. Nay!. Kung panaginip man ito. Sana panghabang buhay na. Alas nuwebe na ng pumasok kami ng mall. Maraming tao dahil linggo. Naunang naglakad si Lance samin habang magkasabay naman kami ni Bamby. "Ano nga ulit yung sinabi ni Lance kanina?.." tanong ko habang kami ay nakatayo sa escalator. Nakaharap sya sa taas habang ako naman ay di maiwasang panoorin ang buong mukha nya. Di ko mapigilan e. Nakasandal ako sa gilid. Staring intently at her. "Stop staring..ugh!.." pumadyak pa ito ng mahina matapos akong paluin sa dibdib. Susmaryosep!. Lihim akong humalakhak. Kinlig ka naman boy!. Nginisihan ko sya. Binabalewala ang mga taong nasa paligid. "Pigilan mo munang maging maganda..." hinabol ko sya ng nauna ng maglakad sakin. Patalikod akong maglakad. Nakapamulsa at dinudungaw ang iniiwas nyang mukha. Kinagat nya na naman ang ibabang labi. Wala rin akong ibang magawa kundi kagatin din ang sariling labi. Pinanggigilan ko ito. "Bakit mo ako iniiwasan?.." sutil ko ng paakyat muli kami papuntang game zone. Si Lance di ko na matanaw kung saan nagpunta. Nakatuon lang kay Bamby ang buo kong atensyon. "Nakakailang ka na kasi..." umiwas sya sa kinatatayuan ko. Umiling ako at hinagod ang buhok. Naiilang sya sakin. Sus baby ko!. "Tsk. tigilan mo nga yan.." hinawi muli ang buong mukha ko ng nakasimangot. Sumabay ako sa kanyang lakad pero di pa rin matanggal ang mata sa maganda nyang mukha. "Di ko mapigilan e.." sutil ko pa rin. Huminto sya sa paglalakad saka ako hinarap ng tuluyan. Pinalaki nya ng todo ang singkitan nitong mata. Tumayo ako ng tuwid sa mata nyang para na akong tinitiris sa inis. She's already annoyed men. Heck!. Huminga muna sya ng napakalalim. Namaywang bago ako kinausap. "Ex ko si Dilan.." lumalim ang kanyang hininga. Sabe na eh. Tumango lang ako sa kanya. Naghihintay ng kasunod nyang sasabihin. "At gusto nyang magkabalikan kami.." tumango na naman ako. Nag-iwas sya ng tingin. "But, I.. don't want to.." Ayaw na nya sa ex nya?. Bakit?. Sana ako nalang ang dahilan nya. How I wish. "Ayoko na.. dahil manloloko sya.." malungkot nitong himig. Parang sandaling huminto ang mundo ko. Hindi nagustuhan ang sinabi nya. Niloko sya ng gagong iyon?. Kingina!. Yung babaeng pinapangarap ko, niloloko lang ng iba. Pinaiyak lang nya?. Wala syang hiya!. Makita ko lang mukha nya. Baka masapak ko pa. Damn that boy!. "Anong gusto mong gawin ko?.." sa dami ng gusto kong itanong. Ito lang ang kaya kong sabihin. Wala e. Baka umiyak sya kapag tinanong ko pa kung bakit sya niloko. Kumikibot kibot ang pino nyang bibig. Pinipigilang magsalita. Kalaunan. Umiling nalang. Pareho kaming natahimik. "Boy!!.." natunaw lang ang nagyelong katahimikan samin ng sumigaw si Kian. Kamot ang ulong nilingon ko sya. Nasa entrada na sila ng game zone. Kasama ni Lance na direktang nakatingin sakin. Seryoso pare. Mabilis bumalot sakin ang takot dahil sa biglaang pagsibol ng kaba. "Ang tagal nyo!. Kanina pa kami dito.." reklamo pa nya. "Pasensya na. May pinag-usapan lang kami.." nilingon ko si Bamby na nilapitan agad ang kapatid. "Tungkol saan naman?. Gusto nyo bang magsolo?. madali kaming kausap.." Ang daldal nitong si Dave. Walang takot magsalita kahit marinig pa ni Lance. "Date na kayo.." kantyaw ng iba pa. "Tsk.. Ewan sa inyo.." sinuntok ko sa ere ang mukha nila. Umilag naman ang mga ito na para bang natamaan dun sa suntok kahit hindi naman totoo. Mga abnoy!. "Let's ask Bamby?. What do you think?.." nagulat ako kay Lance ng sabihin ito. Laglag ang mga panga ng buong tropa sa kanya. Maging ang kapatid nya ay umawang ang bibig sa sinabi nya. What on earth is he saying?. Seryoso ba sya?. "Go now. Magdate na kayo.." "Kuya?!.." mahinang bulong ni Bamby. Ako, walang masabi. Natutuwa sa narinig. Susmiyo!. Date na daw kami?. Naman boy!. Lucky you!. "Ano?. ayaw mo?.." usisa ni Lance sa kapatid. Namumutla na ito. Nahihiya. Ewan. Umiling sya. Nalito naman ako sa ginawa nya. "Ayaw mo?.." ulit pa nito sa nagpapawis nang kapatid. Hot seat ba?. Loko ka Lance. "Gu-gu-gusto..." nauutal nitong sambit. Sa malayo pa tumingin. Sinugod ako ng buong tropa. Ginulo ang buhok saka kinatyawan. "Boy Jaden!. Boy Jaden!.." kinamot ko lang ang sariling ulo sa saya. Pinayagan kami ni Lance na magdate?. Ibig sabihin ba nito, okay na sya sakin para sa kapatid nya?. Hindi yan papayag kung hinde ka pa rin nya gusto para sa kanya boy. Kaya gumalaw ka na. Huminto kasi ikot ng mundo ko. Kaya di alam kung ano nang nangyayari sa paligid. Nilapitan ako ni Lance. Hinarap. Tinapik ang aking balikat bago kinausap. "Go. And enjoy.." Anya lang bago tinawag ang buong tropa papasok ng game zone. Iniwan kaming parehong lutang pa rin sa ginawa nya. Hay!..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD