Maagang umalis sina ate Cath dahil nagwawala na si Klein. Ubos na kasi baon nilang gatas nito. Nagpaiwan naman si Jaden. "Hijo?.." papa tapped his shoulder nang makapasok kami sa bahay. Tinulungan lang namin si Ate na ayusin ang dalawang bulilit sa loob ng sasakyan bago pumanhik sa loob. "Nakaalis na ate mo?.." "Ah opo.." Ani ni Jaden. Naupo kami sa stool chairs sa may kusina. Abala syang magluto ng adobo. "Marami pa naman akong niluto para sa hapunan. Bakit kasi hindi kayo nagdala ng maraming gatas ni Klein?.." Anya pa. Humarap sya samin habang nakapatong ang kaliwang kamay sa kanyang baywang. Habang ang isa ay sa lababo nakatuon. "Hindi ko po alam kay ate Tito.. hehe." nagkamot sya ng ulo habang nag-iiwas ng tingin kay Papa. Nahihiya sya. Parang ako lang sa mga magulang nya. Haist!.

