Chapter 54: Bwiset

543 Words
"Bamby!.. hinahanap ka na sa baba.." sumulpot ang ulo ni kuya Lance sa pintuan ng deck. Sa inis ko dito kanina. Hindi nga ako agad bumaba. Kahit nagsidatingan na ang mga kaklase ko maging sina Karen, Winly at Joyce. "Kausap ko pa si Papa." sagot ko lang dito. Matapos nilang kausapin si Papa, ako naman ang huli. Ang dami nyang bilin. Hindi maubos ubos ang kanyang tanong. Kung excited na ba ako? Kung masaya raw ba akong pupunta doon. Syempre ang sinagot ko naman. Oo excited na ako. Malamang si Papa yun. Walang katumbas na saya ang mararamdaman ko kapag kumpleto kaming pamilya. Walang hihigit na anuman. Pera man yan o kayaman. "Kausap mo nak?.." tanong ni Papa mula sa screen ng desktop. "Si kuya Lance po pa. Tinatawag na ako sa baba.." "Pa, kanina pa dumating mga kaibigan nya. Hinahanap na sya.." Singit ni kuya. Pumasok sya't tumayo sa likod ng swivel chair na inuupuan ko. Hinawakan ang magkabilang gilid nito. Nagpapaliwanag kay Papa. "Go on then. Di mo naman agad sinabi eh.. Yun ba yung party Lance?.." Ani Papa sa kanya. "Yes pa.." maikling tugon lang ni kuya. Agad ring nagpaalam si Papa. May pasok pa daw kasi sya. Isa syang Architect doon. Pinadala sya ng kumpanyang dati nyang pinapasukan sa ibang bansa. Kaya may access din kami doon ngagon. Ang sabi pa nya, madaling araw palang duon. Kaya walang tigil ito kung humikab habang kinakausap ako. "Lasing na ata si Winly eh. Ang ingay na. hahaha.." akbay nya ako habang pababa ng hagdan. Kaya siniko ko sya at nagreklamo agad. Amoy alak na rin hininga nya. Alas syete palang ng gabi pero nag-iinuman na sila. Suskupo!. Kamusta na kaya atay nila?. Maingay na nga ng nasa sala na kami. Nilagay nila Kuya sa garden ang konting salu salo para daw atleast may hangin. Ang dami nyang arte. Bakla!.  "Here she goes. Bamby Eugenio is beautiful tonight.." may humiyaw ng ganun sa kumpulan ng mga tao. Uminit ang pisngi ko sa walang humpay na papuri nila. Damn!. Kaya ba nila ako pinababa para purihin?. Suskupo!. I'm not used to it!.. Suot ko ang simpleng sleeveless dress na kulay pula na lagpas tuhod. Bawal kasi sexy. Ayaw nila. Dumaan ako sa mga nagkwekwentuhang mga barkada ni kuya Mark. Mga freelance model tulad nya. Binati lang nila ako. Nginitian ko lang rin sila dahil agad akong hinila ni kuya palayo sa grupo nila. "Mga papogi.." bulong nya pa matapos akong hilain. "Ikaw rin naman ah.." agad nyang kiniliti ang tagiliran ko. "Kuya. Stop it!. hahahaha.." hagalpak ko habang iniiwasan sya. "Anong sinabi mo ha?.. Ipagpapalit mo ako sa mga yun?. Kung hindi ako gwapo, edi hindi ka rin maganda?.." medyo malayo na kami sa grupo kanina. Di rin nila maririnig dahil sa ingay ng radyong nakaOn. "Eh ano kung hindi ako maganda. Basta mas gwapo sila sa'yo!.." sutil ko dito na humahaba na ang kanyang nguso. Pikon talaga!.. Hindi magkamayaw ang aking tawa dahil sa bibig nitong kumikibot kibot. Parang bakla. Ampusa Kuya!.. "Really!.." ngising aso nito. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Walang pakialam sa mga taong nanunuod sakin. Bahala sila dyan. "Jaden, mag-usap nga tayo..." biglang dagdag nito. Meron syang kinawayan sa likod ko. Naglahong parang bula ang aking ngiti. Nanigas at natulala. Damn him!.. Anong Jaden?.. Alam na alam nya talaga kung sinong kahinaan ko. Bwiset!!!.. Nakakainis..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD