Chapter 6 NANLILISIK na mga mata. Nagtatalimang mga ngipin na may nagtutuluang mga laway. Lumilikha ng kakaibang uri ng ingay na para bang mga demonyong nilalang sa gabi na handang handa na kaming sugurin at gawin kanilang pagkain. Ngunit hindi nila magawang makalapit pa talaga sa amin dahil sa nag-aalab na apoy na nasa tapat ng aming bahay. Hindi ko mabilang kung ilang sila—dahil parang napakarami pa nila sa loob ng kagubatan bukod sa higit sampong nagpapaikot-ikot sa aming harapan ngayon, naghihintay ng pagkakataong magkalabas loob na umatake ang kanilang pinuno para magsisisunuran na silang sumugod sa amin. Wala kaming ibang pwedeng mapuntahan ngayon—at mukhang walang balak umalis ang mga ito nang hindi nila nakukuha ang kanilang mga gusto. Pero meron isang bagay ang gumugulo sa

